Habang ako ay nakikinig sa napakaboring na diskuyson ng aking mga kaklase kagabi ay napag-isip isip ko na wala ng mas boring pa na topic sa mundo kaysa showbiz. Pero hindi ito ang pag-uusapan natin dito.
[lulubos-lubusin ko na ang pag-emote tutal nasimulan ko na rin lang naman]
Konektado pa rin sa aking mga kaklase. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang silang napunta sa topic na hindi safe umuwi pag gabi na naka miniskirt and so on charness floo [yun yata yung topic]. Malamang ay nabored na rin sila sa pangingialam sa buhay ng mga artistang wala namang pakialam sa kanila. Habang sila ay nag-uusap bigla na lamang pumasok sa aking brilliant na pag-iisip na sa dinadami na ng panahon na umuwi ako ng madaling araw at hating gabi at naglalakad ng mag-isa sa tahimik at madilim na mga lansangan ng Dumaguete ay wala man lang nag attemp na mag-rape sa akin. Bakit kaya?
Hindi naman sa gusto kong ma-rape pero nakakapagtaka na ang mga lalaki sa mundo ay tila mga bulag na hindi man lang ako napapansin. Kung meron mang makakapansin ay siguradong wala iyon sa matinong pag-iisip at na-overdose lang sa pinaghalong glue at white ink.
At noon din ay naisip ko na malamang ay dahil iyon sa aking appearance. Lahat kasi ng lalaking matino ang pag-iisip na nakilala ko [na hindi ko classmates, kaibigan o ka anu-ano man lang, in short prospect sana] ay unang iniisip na elementary pa lang ako.
Napakasakit naman talaga na kung hindi ako mapagkakamalang elementary ay napagkakamalan naman akong high school. Halos walang naniniwala na 4th year college na ako at 19 years old na. Bakit kaya?
Kaya laging little sister na lang ang aking role sa mga buhay nila. Lagi na lang akong menor de edad/bata na dapat nilang alagaan at protektahan [at thankfully pakainin din] at kahit kailan ay hindi magiging somebody na pwedeng...you know...wala lang.
Minsan nasasaktan na din ako na tanging ang mga taong may problema sa pag-iisip ang nakaka-realize na malaki na ako. Mukha man akong bata pero ang damdamin ko at pag-iisip ay hindi naman bata. Hindi naman kinakailangan na tratuhin ako na parang five-year old dahil labing-apat na taon ko nang iniwan ang edad na iyon.
Tama. Ladies and gentleMEN, mga kaibigan, kapuso, kadugo, kapamilya, katropa, at kahithitan...MALAKI NA PO AKO.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
check ur page rank.
|
Check Page Rank of your Web site pages instantly: |
|
This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service |




2 blabblers:
wow! aco nga nagulat nung malaman cong 19 ka na eh. . 1 year lang agwat co sayo. . pero mukha na aco 35. .
at teka. . gusto mo pa atang marape ha! hehe. . aco din. . wala talagang nagtatangka sakin. . kahit gusto co na. . halos nakapanty na nga lang aco pag nalabas ng bahay eh. . lol
Ganyan talaga buhay. . hayaan mo na. . pasalmat ka at baby face ka. . kesa naman mag mukha kang may 18 anak. . aco napagkakamalang may 4 na anak eh. .lol
bakit manika..ilang taon ba akala mo?...
gusto ko mang tanggapin ang katotohanang ito ay hindi ko magawa...
nahurt na talaga ako sa kanila!..
hehehe...ayoko namang marape noh...nagtataka lang ako bakit walang nag-aatempt...hehehe
Post a Comment