Thursday, November 6, 2008

Nasaan na nga ba si Myrtle?


Para sa mga hindi nakaka-alam: Si Myrtle ang ang resident ghost ng student publication. According to descriptions ng mga taong nakakakita sa kanya, si Myrtle ay isang batang babae na gumagala-gala at minsan nambubulabog sa opisina namin. Ang pangalan niyang Myrtle ay mula kay Moaning Myrtle na isang ghost na character sa Harry Potter. Ito ay dahil na rin sa unang nagparamdam ang batang ito sa pamamagitan ng mga iyak at kaunting mga kalokohan na kadalasan ay kapahamakan ang naidudulot sa mga tao sa publikasyon.

Noong nakaraang taon ay madalas ang pagpaparamdam ni Myrtle sa mga tao dito sa publication. Minsan ay nila-lock niya ang door ng office para hindi kami makalabas at minsan ay nagpaparamdam din siya. Medyo papansin lang talaga ang batang ito dahil madalas siya magpapansin kapag hindi siya iniisip o inaalala ng mga tao dito.

Noong isang gabi [nung nag overnight kami at nagblog magdamag] ay merong isang nakakatuwang pangyayari dito sa ofis. Hindi lang ako sigurado kung kagagawan na naman iyon ng kakulitan ni Myrtle o explainable na pangyayari iyon. Nevertheless, ang pangayayring iyon ay nagremind sa akin na meron pala kaming invisible resident sa office. HIndi ko na siya naalala kasi hindi na ako madalas mag stay dito sa office.

Oras: more or less 11pm.
Cast: Ako, si Marga, cathy, at Diana.
Sitwasyon: Busy ang lahat sa pagblog. Sinabi ko kay Marga na hinaan ang volume ng music dahil masyado itong malakas. Dahil concentrate ang lahat sa pag-update ng blogs nila ay halos walang nagsasalita maliban na lang sa ocassional na mga tanong ni Diane na gumagawa ng blog niya. Habang kami ay concentrate sa aming mga ginagawang ka-charnessan ay biglang tumunog ang christmas lights. [tama bang discription yun? basta musical ang christmas light but hindi naka-on yung music niya...yung lights lang].

Hindi ko sana pansin yun kung hindi tumili sina Cathy at Diana na nasa likruan ko. Napatingin ako sa kanila at nagtanong kung anong problema nilang dalawa dahil ako labis na nagulat at muntik ng atakihin sa puso [tama may puso din po ako] dahil sa kanila. Natakot sila dahil wala namang ni-isa sa amin ang lumapit sa Christmas tree kung saan andun ang switch ng mga Christmas lights. Hindi naman ako natakot dahil inisip ko na baka pwdeng iset ang music nun na magplay at a given time at wala naman akong ka-alam alam kung paano i-on ang music ng lights.

Sinabi ko na lang sa kanila na i-off na lang ang light dahil maingay ang music nito at parang record na nasobrahan sa rewind ang sound at nakakairita. Ang masunuring si marga ay inoff naman kaagad ang lights at kami ay nagpatuloy na sa aming mga blogging.

Mayamaya, pumasok ang aming EIC. Hindi ko alam kung saan siya galing dahil hindi naman ako nagtanong kaya wag na lang nating pag-usapan yun. Nagtanong siya kung bakit naka-off ang Christmas light at sinabihan siya namin na bigla itong nag-on kaya inoff na lang namin. Muli niyang pina-ilaw ang mga christmas lights at nagsimula na ding humarap sa kanyang computer at gumawa ng kung ano mang ginagawa niya pagkaharap niya ito.

Oras: Ala una ng madaling araw.
Nawala na sa aming mga isip ang nangyari sa Christmas light dahil kami ay aliw na aliw na sa kaka-blog. Todo concentrate kami sa pag-update at pagpapaganda ng aming mga blogs ng bigla na namang nag-on ang music ng Christmas light at kami ay napatingin na naman sa isa't-isa at napatingin sa Christmas lights at natawa. [in between: napatili na naman si Diana]

Napatawa na lang kami dahil hindi naman namin alam kung paano i-explain kung bakit ang aming napakagandang Christmas ay bigla na lang nag silent night ng hindi ginagalaw. Hindi ko alam kung si Myrtle ba ang may gawa o sira lang talaga ang bwisit na Christmas lights na iyon.

So, nasaan na nga ba si Myrtle? Malamang nasa tabi-tabi lang. Naghihintay at nag-iisiip kung paano na naman kami tatakutin.

2 blabblers:

Unknown said...

so, magatatagalog na naman tau? hmm. oo nga, nkakabulabog at nakakatuwa ang panyayaring iyon. kawawa ang baguhang si dianne na pers taym pa atang na meet si myrtle. hehehe.

Anonymous said...

huhu..kawawang ME.. i don't know myrtle kasi kaya yun..huhuhu

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates