nagmumukha kang baliw.
huwag sayangin ang luha kung hindi naman dapat
nag-aaksaya ka lang ng panahon.
sayang ang luha
kung tutulo lang para sa mga bagay na walang kabuluhan,
sa mga taong walang pakialam,
sa mga pagkakataon na hindi naman dapat iyakan.
kung luluha ka man siguruhin mong karapat-dapat,
kung mag-aaksaya ka ng luha sana
para sa taong nararapat
at hindi sa isang taong hindi nagdalawang isip na saktan ka
wag mong sayangin ang luha mo
may mga bagay at panahon na dapat iyakan
at meron ding hindi dapat pansinin
hindi lahat ng malungkot dapat iyakan.
hindi masama kung paminsan-minsan ay magpakita ka
ang pag-iyak ay patunay na ikaw ay tao
pero pigilin ang luha hanggat makakaya
wag ipakita ang kahinaan sa iba
makinig ka sa iyong damdamin
pero wag kang magpapadala sa iyong emosyon
ang pagluha sa mababaw na dahilan ay kahinaan
pero ang pag-iyak ng walang dahilan ay kabaliwan
napakaraming bagay pa ang magpapa-iyak sayo
wag mong ubusin ang lakas mo
mahaba pa ang tatahakin mong daan
marami pang pagsubok ang iyong pagdadaanan
kaya tahan na...
pahiran na ang luha...
tama na ang pag-iyak...
bumangon ka na at magpatuloy sa iyong paglalakbay
hindi pa ito ang katapusan...
malayo ka pa sa iyong papupuntahan.




4 blabblers:
tama... wag sayangin ang luha kung hindi naman nararapat na iyakan ang isang bagay o nangyari...
pero paminsan-minsan... kelangan din nting umiyak kung talagang kinakelangan... kelangan natin ilabas un... mahirap na.. baka sumabog.. parang ung nasa widget na nasa baba ng header mo... sumasabog un... ;)
oo naman siyempre...kelangan din naman nating umiyak paminsan-minsan pero dapat sa tama lang...hindi naman yung pati walang kabuluhang mga bagay iiyakan, sobra na yun eh...=)
-----
mas feel ko yung dynamite actually..hehehe
pero ikaw.. wag kang iiyak ha?... ;)
ang katulad mo.. dapat laging masaya...
ano naman iiyakan ko?
eh kahit nga pilitin kong umiyak di nga ako maka-iyak eh...
....
Post a Comment