Saturday, December 6, 2008

Ang nais lang namin ay maging malaya...

Kalayaan sa pamamahayag. Ito lang ang aming minimithi. Kalayaan na ilabas ang katotohanan, ang bawat panig ng balita. Kalayaan na ipaglaban ang karapatan ng mga estudyanteng walang lakas ng loob na ipaglaban ang kanilang sarili. Kalayaan. Yun lang...

Kung sa pagpapalabas ng mga balita, masasabing malaya kami. Marahil ay isa kami sa pinakamalayang student publication sa Pilipinas. Isa rin sa pinaka maswerte. Hindi pinapakialaman ng administrasyon ang anumang balita na ilalabas namin. Malaya kaming maglabas ng kahit na anong lathalain na gusto namin.

"The NORSUnian is free to publish everything..." sabi pa nga ng university president namin.

Tama nga naman yun. Malaya kaming magpublish ng KAHIT NA ANO. Kahit pa laban ito sa administrasyon. Kahit pa, nasa delikado ang aming mga grado. Malaya kami.

Pero, talaga nga bang malaya kami?
Marahil ay hindi kami nagkaka problema kung balita ang pag-uusapan. Kung articles lang, malaya. Pero, paano naman sa ibang aspeto ng publikasyon? Malaya pa rin kaya kami?

Sa tingin ko, hindi.

Una, nasa eskwelahan ang budget ng publication. Minsan ay ginigipit kami pag nagrerequest kami ng pera para sa mga activities ng publikasyon. Minsan din ay masyadong pinapatagal ang proseso. Inaabot ng ilang linggo ang ilang araw lang sanang proceso. Bakit kaya napakatagal pumirma ng mga taong ito?

Pangalawa, kagaya ng ibang mga sangay ng gobyerno, dumadaan din kami sa bidding. Yun naman kasi talaga ang tamang proceso. Ang problema, kahit pa mahigpit ang guideline na ibinigay namin ay ang administrasyon pa rin ang nasusunod.

At dito na pumapasok ang problema.

Sa ngayon ay ilang linggo na rin kaming walang nairelease na isyu. Iyon ay dahil na rin sa problema namin sa printing. Hindi kasi nagustuhan ng publikasyon ang quality ng printing ng bagong printing press na inaprubahan ng administration. Masyado itong marumi at binago ang napakaraming part ng paper.

Malayong malayo sa nakasanayang newspaper ng mga estudyante. Nagreklamo kami. Binabayaran ng mga estudyante ang publication fee at dapat lang ay makontento sila sa quality ng ibibigay namin sa kanila. Kung kami nga mismo ay hindi kontento, sila pa kaya?

Medyo nag kagulo ng kaunti dahil dito. Napigil na naman ang printing namin. Ngayon ay kalaban na namin yung may ari ng printing press [na sa kamalas-malasan ay instructor ko sa Mass Com].

Ang gusto lang naman namin ay mabigyan kami ng kalayaan na magserbisyo sa mga estudyante ng buong-buo. Yung serbisyo na tama lang sa ibinabayad nila.

Aminado ako, parte ng publication fee na ibinabayad ng mga estudyante ang honorarium na tinatanggap namin sa publication. Kasama din dito yung scholarship na ine-enjoy namin sa staff. Kaya nga, gusto ko lang na worth naman sana ng pera nila yung newspaper na ibibigay namin sa kanila.

Matatapos pa kaya ang problemang ito? Sana...dahil nakakahiya na talaga.

0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates