
binigay ng adik kong kaibigan na si Carla Moi a.k.a Imanglette. Leche to...pahihirapan na naman ako ng tag na ito...
sige tutal boring naman ang buhay ngayon dito sa aking kaharian, sasagutan ko ito...
Eto daw ang rules:
1. Each blogger must post these rules.
2. Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves.
3. Bloggers that are tagged, need to write ten facts about themselves. You need to choose ten people to tag and list their names.
1. Obsessive compulsive ako. Binibilang ko ang every step ko by ten then hindi ako umaapak sa mga cracks sa daan. By color din ako kung kumain ng NIPS.
2. Peyborit ko ang army colors. Kasi maganda. Kasi unique. Kasi astig. Kasi feel ko lang kaya wala kayong magagawa.
3. Ang top 10 crush ko ay galing sa Criminology department at sa College of Engineering. Si Papa Dante [pulis na], Si Noli my Dear [ewan kong saang lupalop ng world na napunta], Si Gil [Engineer na yata yun] at marami pang iba...top three lang sila actually...crush ko din yung former chief of police ng Dumaguete na si Supt. Dionardo Carlos...hahaha complete name tlaga ha...cute kasi at laging nakasmile...
4. borderline idiot ako sa mathematics at kahit na anong may kinalaman sa numbers. Kaya nga nag Mass Com ako eh.
5. Nangangarap maging artist dahil ako ay isang taong walang ka art-art. Stick man lang ang kaya kong idrawing.
6. Kaya kong manatiling gising ng ilang araw without any sleep. Kaya ko din na kahit 1 hour lang na tulog. Yun nga lang, kailangan mong magsuffer dahil hindi rin gumagana ang utak ko nun.
7. I despise showbiz. Honestly feeling ko yun ang pinakaboring na topic sa mundo. Wala ng mas boring pas a mga buhay ng mga artista...
8. I can read 3 novels in a day. Mabilis akong magbasa. Marami akong libro. Marami akong time. Wala akong magawa. Kaya ayun...
9. Second ako palagi. Second eldest sa father side. Second to the youngest sa mother side. Kaya I am nothing but a second rate trying hard froglet.
10. Blogista ako. Obvious ba? I have more than 10 blog accounts in different sites. Most hindi ko na din ina-update. testing lang kong maganda ang offers nila then pagnagsawa kakalimutan ko na din yung account ko dun. I post more than five blog posts in a day and in less than a month nakaka 50 plus posts ako. Adik talaga.
ayan na...bwisit...sakit sa ulo...sige lang...at least panlaban sa antok..
kanino ko naman ipapasa ito?
sige...
Justine, Gian, Paul, Marga, Kosa, Super Gulaman, Cathy, Ritch, Joel, Noriel




4 blabblers:
ahehehe...cute na nmn ako..yehey...sige sige... :D...salamat..salamat... :D
haha. cute award ulet. abaaaa! haha. =) salamat. x)
padaan puh...=) kulet naman dito.
sayang pa-log out na ko nang maligaw ako dituh!
Post a Comment