Monday, December 15, 2008

Mga pangarap ng Prinsesang Palaka

Prinsesa man nangangarap din.

Noong tadpole pa ako napakarami kong pangarap. Medyo materialistic pa ako nun, tadpole pa kasi at wala pang kaalam-alam sa mundo. Ngunit sa bawat araw na ako ay lumalaki [hindi tumataba, lumalaki lang], nagbago ang mga gusto ko sa buhay. (Halimbawa, dati gusto ko ng sampung helicopter, ngayon isa na lang. Dati gusto ko ng kastilyo, ngayon mansyon na lang.)

Pero seryoso, hindi materyal ang mga bagay na talagang gusto ko. Hindi naman kasi ako ang tipo ng tao na mahilig sa mga materyal na bagay, maliban na lang siyempre kung nakakain ito o nababasa. Simple lang naman ang mga gusto k0 sa buhay. Mamuhay ng tahimik at mapayapa, komportable at nakukuha ang mga pangangauilangan ko.

Gusto kong mapasaya ang mga magulang ko. Maibalik sa kanila ang naibigay nila sa akin. Mabigyan sila ng kasiyahan at mapadali ang pamumuhay nila. Gusto kong ibigay sa kanila ang buhay na gusto nilang ibigay sa akin. Gusto kong mabayaran sila sa lahat ng nagawa nila para sa akin.

Gusto kong makatulong sa iba. Gusto kong gumawa ng mga bagay na magbibigay saya sa ibang tao. Gusto kong makapagbigay kasiyahan at maging parte ng buhay ng iba. Gusto ko na kung sakaling mawala man ako sa mundo ay may maalala sila sa akin, gaano man kaliit ito.

Gusto kong matuto. Gusto kong matuto ng napakaraming bagay. Gusto kong matutuhan ang iba't-ibang dialekto sa Pilipinas, ang lengwahe ng mundo, ang kultura ng iba't-ibang tao. Gusto kong malaman kung paano namumuhay ang mga tao sa iba't-ibang dako ng pilipinas at mundo. GUsto kong maintindihan ang mundo.

Gusto kong makagawa ng isang bagay, kahit isa lang, na makakagawa ng maganda sa mundo at magpapabago sa buhay ng maraming tao.

Siguro lahat nangangarap nito. Siguro lahat gusto ang gusto ko. Hindi ko alam kung ano ang pinagkaiba ko sa mga nangarap na gaya ko. Simple lang naman ako kaya simple lang din ang mga gusto ko.

Prinsesa ako sa sarili kong mundo. Palaka ako sa imahenasyon ko. Pero sa puso ko, mananatili akong tao. At ito ang mga pangarap ng puso ko.

0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates