Wednesday, January 7, 2009

dahil feeler...nakarma.

Tama. Feeler nga ako at inaamin ko yun. Gusto ko lang naman matuto. Pero siyempre nga dahil walang alam, napakalaki ng chansa na magkamali.

At nagkamali nga.

Paano? Heto.

Gusto kong madiscover kung paano talaga nagwo-work ang mga codes sa tinatwag na CSS. Kaya naisipan ko na mag explore sa blogger account ko. What happened? Well, pinapalit-palitan ko ang mga color codes para makita kung saang parte ng blog sila nagco-correspond at ano ang mangyayari pagpinalitan ko sila. Pinakialaman ko din pala yung mga pixels at kung anu-ano pang sa tingin ko ay interesante at pwedeng palitan.

Ayun...nag-enjoy naman ako at sobrang proud sa sarili ko...akala ko natuto na ako kaya pwede na akong magmalaki...Tanga talaga...

Pag-open ko ullit ng blog ko, wala na doon ang napakarami kong contacts sa Blog List ko...ang saya naman...malamang ay nadelete ko yun o nasira ko ang code para sa widget na yun dahil sa sobrang pakialamera ako...

Ngayon wala na ang mga tao sa Bloglist ko...at lahat sila ha...
sana naman mabasa nila yung post ko kanina at maibigay nila ulit yung URLs nila para naman maibalik ko sila kaagad...

kakainis talaga oh...
feeler kasi eh...

0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates