Tuesday, January 13, 2009

Freewrite

Ilang araw na din akong ganito. Gigising sa hapon at iisiping umaga pa. Kahapon nagising ako ng 1pm, akala ko 8am pa rin. Pero at least yun may reason, 6am na ako natulog dahil nagbabad na naman ako sa office. But las night I slept at around 10pm. Mas maaga kaysa nakasanayan kong oras ng pagtulog. But I still woke up late.

Pagkagising internet kaagad. Tamad talaga.

I checked my blog tracker at nagugulat pa rin talaga ako na may nagbabasa sa blog ko. Isipin mo yun? May sense din ba mga post ko? Minsan kasi naiisip ko wala. Over-crowded kasi ang utak ko kaya magulo. The past days hindi na ako nagpopost na may specific na topic. I freewrite kasi hindi ko matapos yung isang topic.

Speaking of topic, wala pa akong klarong topic for my Research class. and its due on March already. Malayo kung titignan mo but kung iisipin mo yung mga dapat mong gawin, napakalapit na nun. Hay...

Midterm week ngayon but hindi naman kami affected sa Mass Comm (except for those na may minor subjects pa) dahil hindi naman kami nage-exam. Puro practical naman yung mga exams namin, hindi naman kailangan mag-aral. Haller! Hindi naman kami magmu-multiple choice pagka-graduate noh...

overnight kami mamaya for layouting. I miss that...hehehe...tagal na din naming hindi nakakapaglayout.

wala na akong maisip na isulat. dito na muna...balik na lang ako mamaya...=)

0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates