Sunday, January 4, 2009

Isang hapon kasama si Jo'bee

Dahil nagbabakasyon pa rin ang karamihan sa aking mga kaklase at kaibigan, naglibot ako ng mag-isa sa downtown ng Dumaguete, hindi lamang upang maaliw kundi para maghanap ng birthday gift para sa aking sarili.

Matagal-tagal din akong naglibot at nakipag siksikan sa mga tao sa downtown. Sa totoo lang, wala naman talaga akong exact na distinasyon nung umalis ako sa boarding house namin. Naisip ko lang na maglibot-libot kaya nagbihis ako at sumakay ng pedicab.

At dahil nga wala akong distinasyon, naisip ko na lang na kumain ng paborito kong french fries dipped in chicken gravy at ng choco sundae sa Jollibee.

Wala namang exciting na nangyari doon. Tahimik ang paligid at may kanya-kanyang mundo ang mga tao. Sa isang sulok ay may mga magkakaibigan na masayang nagkukwentuhan, sa kabila naman ay dalawang estudyante na 'by the looks' a lang ay mga nursing students na. Sa likuran ko naman ay may isang pamilya na masaya din nagkukwentuhan. At siyempre ako, nagiisa sa aking sulok at busy-busyhan sa pagmatyag sa mga tao na dumadaan sa harap ng Jollibee.

Habang akoy kumakain, naisip ko na sa apat na taon ko sa College, iilang beses pa lang akong kumain sa Jollibee na kasama ang mga kaibigan ko. Madalas ay ako lang mag-isa. Naisip ko din na iba talaga ang atmosphere 'pag kumakain ka na may kasama kaysa ang kumakain ka ng mag-isa.

Pero siyempre naisip ko din na kung kasama ko ang mga kaibigan ko ay nagcollapse na ako sa gutom bago pa man makarating sa Jollibee or probably hindi na talaga ako makakarating ng Jollibee. Paano kasi inaabot sila ng isang oras para lang magdesisyon kung saan kakain at another isang oras para magdecide kung ano ang kakainin.

Siyempre masaya din silang kasama kahit ganun sila.
Ano ba, dapat tungkol kay Jo'bee ang post na 'to...
pero yun naman ang essence ng Jollibee di ba? Kumain ng masaya.
Pero paano ka magiging masaya kung mag-isa ka?

(",)

0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates