I'm waiting for the sun to show its rays para makauwi ako sa aking kama at mapakalunod kasama ng aking mga unan...
kayakap ko ngayon si Pikachu...mainly dahil wala akong choice at si Pikachu lang ang pwedeng yakapin dito sa office...
Daming dapat gawin for today kaya probably sleep for a few hours then balik school ulit at gawin kung anu man ang nararapat kong gawin na dapat ay matagal ko ng ginawa...
Sana naman hindi ako sumpungin ng katamaran para naman may matapos ako ngayong araw...
kailangan ko pang magvoice over para sa documentary and kailangan ko pang magcomply ng mga requirements ko...
kailangan ko pa nga palang mag-aatend ng defense ng isang classmate ko...
at yes, meeting and election nga pala mamaya...
oo, kailangan ko din pala magsurvey dahil matagal ng natapos ang deadline wala pa rin akong nagagawa...
at yes, yung MTV nga pala ng At the Beginning kailangan na ding matapos...
at siyempre kailangan ko ding mag-edit...
sinong nagsabing hell week ngayon? hindi naman ah... relax na relax nga ako eh...parang summer vacation lang...*wink*
sarap talaga maging estudyante...
walang tulog...
nosebleed sa dami ng kailangan icomply...
sakit sa likod...
sakit sa dibdib...
dagdagan pa ng mga pasaway na instructor...
sakit sa ulong mga classmates...
at pahamak na attitude...
PERFECTION!

Free Signature Generator
0 blabblers:
Post a Comment