Isa sa mga bagay na talagang hindi ko makalimutan about Linantuyan maliban sa nakaka-ubos hininga nitong mga burol na dapat akyatin ay ang nakakagulat at unexpected na presence ng Dream satellite.
Let me describe Linantuyan to you.
Ito ang pinaka-remote na barangay ng lungsod ng Guihulngan na matatagpuan sa northern Negros Oriental. Masyado itong remote kaya accessible lamang thru habal-habal and helicopter. Masyadong malayo ang lugar kaya most of the time ay napipilitan ang mga residente dito na maglakad papuntang Guihulngan proper kung may kailangan silang bilhin doon. Ang linantuyan proper ay may limang maliliit na tindahan, walang market, walang signal ang Globe at bihira lang ang signal ng Sun.
Kung dayo ka sa lugar at wala kang kakilala, pwede kang makigamit sa CR nila na located beside the plaza. May maliit din silang elementary school na ngayon ay nadagdagan na ng isang classroom dahil na rin sa tulong ng Philippine Army (Oo, hindi lang po sila pang giyera. May nagagawa din po silang iba para sa bayan).
Malalayo ang mga bahay, tipikal na community sa bundok. Malayo. baku-baku ang daan. Remote. Backward ang buhay. Napag-iwanan ng panahon kung maituturing.
Kaya imaginin mo na lang ang aking pagkagulat ng ako ay hingal na hingal na umakyat sa detachment ng army at ang una kong nakita ay ang Dream Satellite. Napatunganga ako walang pigil na nasabi ang, "What? May Dream satellite? May cable sila dito?"
Amazing talaga! Sa layo ba naman ng lugar, sino ang mag-aakala na may cable TV kang mahahanap doon? SA sobrang remote ng lugar, sinong makakapag-isip na pwede mong mapanood ang kahit na anong channel na gusto mong panoorin? At sa tuktok ng bundok yun ha!
Isipin mo na lang, pagsinabing Linantuyan sasabihin nila sayo, "piso plete palangit!" ibig sabihin, Piso na lang nasa langit ka na! Ganun siya kalayo!Tapos may cable TV???
What?!!!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
check ur page rank.
Check Page Rank of your Web site pages instantly: |
This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service |
3 blabblers:
wow! ayuz yan...sosi! nasa siyudad kami pero de antenna ang lang tv...ahahaha...
mukhang masarap mamasyal dyan ah...lapit na summer... :D
ayos ah! ang galing! sa tuktok pa siya ng budok.. hmmm ^^
@super G!
ako nga din nagulat eh...
kung feel mo yung adventure pwede kang umakyat dun...
but be prepared kasi hindi ganun kadaling tinatanggap dun ang mga dayo...
hehehe...
natrauma kasi ang mga tao dun eh...
@Cyndi:
Korak! Kaya halos malaglag ang panga ko ng makita ko yung satellite dish ng Dream...
Cable TV sa bundok? kamusta naman yun!
Post a Comment