Ang Docu
Ang insurgency documentary namin ay malapit ng matapos. Credit na lang at kaunting changes sa voice-over ang kulang. Siyempre hindi ako nagtatrabaho para dun dahil wala akong talent dun.
Proud ako sa docu namin dahil pinaghirapan namin ito. Kaya lang, ang docu na ito ay parang propaganda ng Philippine Army. Kung isasali namin ito sa Film Fest, hindi ito mananalo. Maliban na lang siyempre kung AFP ang magpapa-Film Fest, baka pwede pa.
I want to go back to Linantuyan and make a more thorough research and documentation of the place. Unfortunately, we don't have the equipment, the time and the resources.
Kung saka-sakali mang mapanood ninyo ang docu namin, sana naman ay 'wag ninyong husgahan agad ito. We did our best to produce a fair and honest documentary. It is honest in the best of our knowledge but fair? Ewan. One sided siya and walang side ng kabilang panig kaya hindi ko masasabing fair. We don't have the time to make everything right. May hinahabol na deadline. Rationalizations pero totoo. Maybe someday makakabalik ako doon at makakagawa ng mas magandang docu...sana.
===========================================
Ang Film Exhibit
As part of our final requirements, our class is tasked to organize with a Film Exhibit kung saan ipapakita ang lahat ng mga outputs ng mga Mass Communication students ng university. Actually, Film and Advertising exhibit ito dahil kasama ang Advertising class ng mga sophomores.
Ang aim nito ay hindi lang para ipakita ang mga outputs namin kung hindi para na rin ipamukha sa mga administrators na kahit wala kaming mga gamit (dahil wala naman silang planong magbigay) ay gawa pa rin naming mag produce ng Films and Documentaries. Na kahit maliit lang ang department namin ay meron din kaming silbi.
Sana lang ay marealize nila ito.
==============================================
Docu+Film Exhibit= Baliw na Froglet
Sakit sa ulo.
Ang Film and Advertising Exhibit ay sakit sa ulo dahil wala kaming mga gamit tapos wala pang suporta mula sa mga administrators.
Wala kaming TV na magagamit. Wala ding DVD. Walang kahit na ano.Kailangan ko maghanap dahil ako ang naatasan dito. Kailangan ko magprocess ng napakaraming hindi ko alam kung ano.
Sana naman may maawa sa amin at magdonate ng TV, ng DVD, ng Canopy at well...pwede radio laboratory or TV studio na rin?
Sakit na ng ulo ko!Saan ba ako kukuha nun?
0 blabblers:
Post a Comment