Tuyo ang utak ng Prinsesang Palaka.
Hindi man lang ma-inspire na magpost ng sensible na topic.
Sobrang blank ang utak ko ngayon dahil sa dami ng gagawin na hindi ko naman alam kung paano nga ba talaga gagawin.
May utak pa kaya ako?
At kung meron man, nasaan na kaya ito? Parang hallow kasi ang ulo ko kaya feeling ko ay walang laman ito.
Parang coin bank na walang coins. Zero balance. No Signal. Nada!
Sinusubukan ko na ngang alugin baka sakaling matrigger ang kung anumang system na makakabuhay ng tila namatay ko nang utak.
Hindi ko maintindihan dahil ang alam ko ay nagsisimula na rin namang magparamdam ang summer kaya hindi na pwedeng magfreeze ang mga neurons ng brain ko. Bakit parang naka-freeze pa rin sila? O baka naman, nafried na yung mga neurons ko dahils sobrang init ng panahon?
Siguro. Kaya siguro natuyo ang utak ko.
Tama. Yun nga siguro ang dahilan.
Kailangan ko na yata ng brain booster.
O ng bagong utak.
whew!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
check ur page rank.
Check Page Rank of your Web site pages instantly: |
This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service |
3 blabblers:
ipahimas mo este ipamasahe mo kaya
Malamang, okupado ng ibang bagay ang utak mo. Kaya kahit yung mga nasa harap mo ay hindi mo nakikita. Try mo kayang tingnan mo sa ibang perspektib ang sitwasyon. Yung tipong aakyat ka sa mesa para makita ang ibang senaryo. Kung minsan mas magaling pa sa nag che-chess yung mga nanonood. Try mo lang na umalis muna sa sitwasyon kunwari. Baka makita mo ang hinahanap mo.
Out of stock ang utak sa grocery.LOL.
:)
tulog ka muna..wag magbukas ng computer...paggising...tulog ulit...aheks... relax lang kasi... :)
Post a Comment