I'm sharing some pics here.
The Three Little Pigs.

Me, Cathy and Carla. The Power Rangers. Nakipagsapalaran sa kabundukan ng Guihulngan (siyempre kasama ang wolf) upang malaman kung ano nga ba talaga ang tunay na estado ng lugar. So, ano nga ba?
Okay naman. Makalaglag matres ang daan, freezing ang ginaw, pero hayop sa view at mainit ang pagtanggap ng mga tao.
Pero siyempre mainit lang nila kaming tinanggap pagkatpos nilang mapatunayan na hindi talaga kami mga miyembro ng NPA o kahit na anong legal fronts nito.
Ang mga mukha ba namang ito pagdududahang NPA? What?...hehehe.
Pero siyempre hindi din naman namin sila masisisi. Ilang taon din naman kasi silang ginamit ng NPA at medyo na-trauma sila sa nangyari kaya pag may bagong dating sa lugar nila ay masyado silang apprehensive. Kinailangan pang tawagan ng Batalion Commander ng 11th IB ang Barangay Captain para iconfirm ang identities namin.
Ang Maka-laglag Matres na Daan.
Siyempre bago namin marating ang napakalayo ngunit magandang kabundukan ng Linantuyan ay kailangan muna naming pagdaanan ang off-road inspired na Habal-Habal challenge.

Pwede kang magkabayo kung alam mo kung saan makakuha ng kabayo. Kung richness ka naman ay pwede kang mag helicopter. Siyempre wala namang pipigil sayong maglakad kung feel mong mag-ala death march at maglakad ng 42 kilometers.
Kung wala kang magawa sa buhay pwede mong subukang magdrive papuntang Guihulngan at ma-experience ang isang tunay na extreme driving.
Ang Mga BodyGuards Sila ang aming mga escorts sa Linantuyan. Nagtiyagang maghintay habang nagsho-shoot kami at walang reklamong sumasama sa amin sa kung sa mga lugar na kailangan naming puntahan. Paano na lang kami kung wala sila?

Mga miyembro sila ng Charlie company ng 11th IB na naka-assign sa Linantuyan. Sila ang nagpakain sa amin, nagprovide ng matutulugan, at nagsilbing tour guide at body guards sa lugar. Utang namin sa kanila ang pagkatapos ng aming misyon sa Linantuyan. Kung hindi dahil sa kanila, malamang ay hindi pa rin kami natatapos hanggang ngayon at siguradong sa gitna kami ng palayan matutulog.
Si Manong Pio
Rebel returnee si Manong Pio. Dati siyang taga kolekta ng revolutionary tax ng NPA. Tinanong namin siya kung okay lang ba na ipakita namin sa video yung mukha niya, sabi niya okay lang daw. Ayon sa kanya, hindi naman daw siya dapat matakot.
Ilang taon din siyang naging collector ng NPA at tumiwalag siya nung hindi na niya makaya ang pinapagawa nila sa kanya. Nahihiya na daw kasi siyang humingi ng bigas at pera mula sa mga kapit-bahay niya. Sabi ni Manong ay hindi daw niya matanggap ang kagustuhan ng mga rebelde na agawan ng lupa ang may malalapad na lupain. Kuntento na daw siya sa maliit niyang lupain.

THE POWER RANGERS!
Siyempre hindi naman kumpleto ang adventure kung wala ang rest ng team hindi ba?
Ladies and gentlemen, the Power Rangers. Magigiting na mga ilonggo na nakipagsapalaran sa lupain ng mga bisaya.
Hindi lang cameramen ang trabaho nila. Dahil apat lang kami kailangan na multi-tasking. Si Cathy ang official Coordinator/PR officer (Official textmate ni Colonel...hehehe), PA, Make-up artist, Cameraman, at Nanay ng grupo.
Si Noriel ang cameraman, tagabuhat ng lahat ng mabibigat, at prinsesa sa team.
Si Carla, PA, Director, Scriptwriter.
Ako...never mind.

Kitams? Galing nila noh...habang ako ay nagtatrabaho, busy naman sila sa pagpapapicture. Tingnan ang larawan sa baba. Tignan ang ginagawa ng aking mga kasama. Tignan ang camera. Ah...nasaan ang cameraman ko?

Pagod man kami, alam naman namin na worth ang pagpunta namin. Marami din naman kaming natutunan at talagang super bonding ang nangyari. For the first time in the history of the world nagsama ang three little pigs at ang wolf sa iisang tent. Galing di ba?
For more pics please visit my share site.
2 blabblers:
hey..... im from Linantuyan... can you post a lot of pics from my place????? im one of the elite in Linantuyan... he he he Sarvida Family...
Hi there...if you want more photos from Linantuyan please visit http://www.froglet.shutterfly.com...there are more photos there.
=)
Post a Comment