Hindi pa ba sapat ang 10 months na pagsuffer?Pati ba naman sa pagkuha ng grades kailangan pa magsuffer?
Gagraduate na lang pahihirapan pa.
Hello, trabaho ba ng estudyante na magpasa ng gradesheet?
Kasalanan ba namin kung hindi nagpasa ng grado yung instructor namin?
Kasalanan ba namin kung umalis siya ng hindi ag-iiwan ng grado?
Eh, bakit kami ang naghihirap sa bagay na hindi naman kami ang may kasalanan.
Tapos, nandun pa yung prblema ni cathy sa registrar. Kasi naman, nung kumuha siya ng Litt 114, sabay sila ng kakambal niya. Tapos nagdrop yung kakambal niya and instead na name ng kakambal niya eh, name niya ang namarkahan.
Kahit hindi pa niya kasalanan, nagbayad siya ng retake fee. Tapos ngayon hindi nila ino-honor yung grade niya dahil hindi daw siya enrolled...what?
Tapo sabi ng registrar sa kanya, hindi daw kasalanan ng registrar yun kasi.."I'm not the only one using the computer..."
Ano?
My God!
At anong ibig sabihin nun? Na kasalanan ng estudyante dahil namarkahan nila ng drop ang pangalan niya? What the capital F!
Tapos eto pa yung capital G kung instructor na pinagbayad lang ako ng P500 kasi ihahabol daw niya yung name ko sa list ng nagsummer OJT...nagcheck ako sa registrar kahapon kahit anino ng pangalan ko wala sa listahan! Sira talaga!
Hindi namin trabaho na maghabol ng instructor na hindi nagpasa ng grado. Responsibilidad ng instructor na magpasa at responsibilidad ng Department head, ng dean at ng registrar na magfollow-up!
Hindi pa ba sapat na buong semester kaming nagpatorture sa napakaboring nilang mga klase? Tapos ngayon magpapahabol pa sila? Ano feeling nila sa sarili nila, si Pierce Brosnan? O si Angelina Jolie? Feeling nila mga celebrity sila na magpapahabol-habol pa sa amin...mga lechugas!

Free Signature Generator
0 blabblers:
Post a Comment