Ito na ang bunga ng aming paghihirap at pagbibilad sa araw. Ang katas ng aming mga pawis. We did the best that we can with our meager budget and very limited time. I know na one-sided talaga ito but I am proud of this documentary because we suffered for this.
This is a 16 minute documentary about Linantuyan, Guihulngan, Negros Oriental. Isang dating stronghold ng NPA.
Akala- The Linantuyan Documentary Part 1/2
Akala- The Linantuyan Documentary Part 2/2
I would like to thank all the people na tumulong sa amin lalo na ang mga taga-linantuyan.Maraming salamat din pala sa lahat ng staff ng publication para sa lahat ng tulong at inspirasyon na ibinigay ninyo sa amin. Salamat din sa aming mga magulang na nagfinance ng lahat ng ito.
Maraming salamat sa 11th Infantry Battalion na naka-assign sa Guihulngan para sa lahat ng assistance na ibinigay nila. Salamat kay Col. Nemesio Gacal (Battalion Commander), Lt. Rodmagel Arizabal (CMO) at lahat ng sundalo ng 11th IB na nagpa-tuloy sa amin sa Guihulngan. Sir, salamat din pala sa pizza, sa coke at sa kape...=)
Siyempre mas salamat sa mga sundalo na na-assign sa kabundukan ng Linantuyan dahil kung wala sila ay hindi ko ma-imagine ang buhay namin doon. Salamat kay Pfc. Vedasto at sa kanyang mga kasama na hindi ko alam ang pangalan (sorry talaga mga sir) sa pag-escort sa amin at sa buong Charlie company sa pagpapakain sa amin, pagpapatuloy sa BDS at pagpapahiram ng folding bed. Salamat, salamat, salamat!
At higit sa lahat, salamat kay Mr. John DX Lapid na instructor namin para sa lahat ng naituro niya sa amin at sa lahat ng sakripisyo niya for us. Salamat sa laptop niya na halos maghingalo na sa pagod. Salamat sa hard disk niya na naging transient na rin dito sa office namin. At salamat sa kanya na sa kaunting panahon na naging instructor namin siya ay napakaraming bagay ang natutunan namin.
Totoo nga ang sabi nila na na-aapreciate natin ang isang bagay kung alam natin kung paano talaga ito nagagawa. Dati akala ko ganun lang kadaling gumawa ng documentary. Ngayon, I know better.
Ngayon I can appreciate kung gaano kahirap gumawa ng news program, ng docus, ng films...dahil naranasan ko na rin kung paano gawin ito. Ngayon may karapatan na akong magcomment comment sa mga videos dahil ngayon may alam na talaga ako.
Oo nga pala, salamat ng malaki kay Cathy dahil hindi niya iniwan ang pag-edit ng video na ito. Salamat sa lahat ng mga kagrupo ko dahil nagtulungan tayong lahat.
Salamat!Salamat!
Hindi sapat ang credits sa hulihan ng video to convey the gratitude that we felt for all your assistance. Again, to all those who helped us and made this project possible...SAlamat!
P.S.
Salamat din pala kay Pikachu sa mga gabing wala akong kayakap. Salamat kay Kuya Junrell sa sikat na scarf na gamit-gamit ko diyan sa video. Salamat kay Paul Denver Sy (na 1/8 chinese daw...hehehe) at Gian Carlo Abrenica (na Prince of Charness daw) sa technical assistance. At salamat kay Patrick Undag (hindi ko alam kung sino siya) para sa tent na ginamit namin sa Linantuyan.
P.P.S: My instructor converted the video and uploaded it in his page instead coz hindi naman ko naman alam kung ano talaga gagawin dun...=) It's his Multiply page nga pala...

0 blabblers:
Post a Comment