Monday, April 13, 2009

Ang puso kong Camouflage

Army fatigue. Camouflage. Or whatever you want to call it.
It has always been my favorite color.

Bata pa ako paborito ko na ang kulay na yun. At ito ay hindi dahil ito ang kulay na nagsisimbolo ng aking pangarap. Paborito ko ang kulay na ito dahil para sa akin unique to at attractive. Para sa akin wala ng kulay sa mundo na hihigit sa ganda ng kulay na ito.

Pangarap ko nga pag ako nagpakasal yung motif camouflage. Walang ibang kulay; lahat ng guest magsu-suot ng parehong color, lahat ng decorations will have the same color. Saya di ba? Sana naman walang mang-agaw ng motif noh?...hehehe

At pag nagpatayo ako ng bahay siyempre ganun din ang kulay. Mula sa gate hanggang sa footwalk, sa walls ng bahay, sa roof, sa mga rooms. Basta lahat. Kaya lang naisip ko din na baka mapagkamalang headquarters yung bahay ko at mabomba kaya siguro yung gate at foot walk na lang tsaka yung room ko ang pipinturahan ko, 'wag na lang yung labas ng bahay.

At siyempre pagnamatay na ako, kailangan mula pamburol ko hanggang kulay ng coffin at tomb camouflage din. Siyempre pati yung mag-aatend ng burial nakasuot din ng ganung kulay.

Oo, obsess nga ako sa kulay na ito. Masisisi mo ba ako? Ito ang kulay na nagpapasaya sa akin, ang kulay na nagku-kumpleto ng buhay ko. Para sa akin this color represents security, authority, discipline, respect, adventure, mystery and of course, my dreams. The very things that I value so much is represented by this color that's why I love it so much.

Ang puso ko hindi ginto,
kaya wala itong halaga.
Hindi ito malambot na gaya ng mamon,
o matigas na gaya ng bato.
Simple lang ang puso ko,
ang kulay nito ay Army camo!




0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates