Hindi ko na din mabilang. Napakaraming beses ko nang sinabi na ako ay tao lang at maraming kahinaan at kasalanan, hindi ko ginagawang excuse ang aking pagiging tao nais ko lang ipaalala.
Hindi ba kayo din naman, pagnagkakamali kayo sasabihin niyo kaagad, "tao lang ako..." at inaasahan ninyo na maiintindihan kayo kaagad ng mga tao. Pero bakit ganun, pag sinabi kong tao lang ako hindi niyo maintindihan. Hindi, o baka ayaw lang talaga ninyong intindihin. May pagkakaiba din kasi yun eh.
Hindi ko maintindihan kung bakit gusto niyong intindihin kayo pero ayaw niyong intindihin ang iba. Gusto niyong irespeto kayo pero ayaw niyong respetuhin ang iba. Gusto niyongt patawarin kayo pero ayaw niyong magpatawad.
Hindi lang kayo ang tao. Tao din ako.
Lahat ng bagay sa mundo may hangganan, may katapusan.
Hindi habang buhay na hahayaan ko na lang na ganito. Hindi habang buhay na tatahimik ako at magwawalang bahala. Hindi habang buhay na magbubulag-bulagan ako.
May katapusan ang lahat.
Ako ay taong hindi naman talaga matatawag na patient pero sa napaka habang panahon pinilit kong intindihin ang lahat. Nanahimik ako at hinayaan kayo na husgahan ako at siraan ako. Kahit alam ko kung ano ang sinasabi ninyo pag wala ako, hindi ako umimik. Pinilit kong magpasensya. Pero sana lang wag niyong isipin na habang buhay ganito na lang. Masama akong magalit, kaya wag niyo akong pilitin.
Hindi ko ipinagpipilitan ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin. Kung ayaw mo sa akin then leave me alone. Huwag mo akong siraan, wag mo akong isipin, wag niyo akong pag-usapan. Ayaw niyo sa akin di ba?
Hindi ko na kailangang sabihin kung sino kayo. You know who you are. Pag tinamaan ka, ikaw na yun.
Oo, maldita ako. Oo, suplada ako. Pero ang masasabi ko lang, at least harap-harapan ang pagiging kontrabida ko. Hindi ako ngumiti sa inyo ng hindi bukal sa puso ko. Hindi ako nakikipag-usap at nakikipag tawanan sa mga taong hindi ko feel kausap. Hindi ako ngumingiti sa mga taong hindi ko gusto. Kahit kailan hindi ako nagpanggap na mabait sa harap ninyo tapos sisiraan kayo pagtalikod ninyo. Kung gaano ka laki ng ngiti ko sa harap mo, ganun pa rin yun pag talikod ko. Kung ano ang ayaw ko sa tao sinasabi ko yun sa harap niya mismo regardless of the reaction. Alam niyo yun.
Siguro nga masama akong tao pero totoo ako sa sarili ko.
Sana kayo rin.

2 blabblers:
may umaaway ba sayu?
tara... resbakan natin...
pero teka, may punto ka kaibigan..
dapat ang pagngiti eh Bukal sa loob at hindi dail kailangan lang makaipagplastikan...
at dapat ang sabihin mo,
KUNG AYAW NILA SAYU, AYAW MO DIN SA KANILAganun.. hayss... buhay nga naman...
hayaan mo sila. you have nothing to prove them. pero pag nagsawa ka na sa pgiging maldita, try become a good girl naman x)
Post a Comment