Lahat ng tao iisa lang ang patutunguhan, kamatayan. Opo, yes, exactly, tama po, KAMATAYAN. Kung hindi mo pa alam ito, marahil hindi ka tao. Kung hindi mo alam na ang tao ay namamatay, malamang isa kang alien o di naman kaya isa kang maligno na dahil isang immortal ay hindi na kailangang pag-isipan kung ano ang kamatayan.
Lahat ng bagay na nabubuhay sa mundo namamatay. Halaman, hayop, at tao, lahat mamamatay. Lahat magtatapos ang buhay. Hindi lang natin alam kung kelan, marahil bukas makalawa wala na sila. Hindi natin alam, baka ang taong kaharap mo ngayon at masayang nakikipag-usap sayo ay wala na pala paggising mo.
Sino ba ang hindi natatakot sa kamatayan. Sa tingin ko wala. In one way or another, I think lahat ng tao may takot sa kamatayan. Marahil hindi ka takot na mamatay, pero aminin mo, natatakot kang mawala ang mga mahal mo sa buhay.
Ang kamatayan napaka-final. Kaya minsan pag may kakilala akong namatay, parang nagkakaroon ng malaking butas sa puso ko. Minsan nga kahit hindi mo kakilala ng mabuti di ba?
Weird siguro kung iisipin ninyo pero, alam niyo ba na sa tuwing nababalitaan ko na may sundalong namamatay, kahit pa hindi ko naman sila kamag-anak o kakilala man lang ay nalulungkot ako. Tama, nanlulumo ako at madalas I find myself wondering kung ano kayang buhay meron sila, kung sino na ang magpapa-aral sa mga anak nila, kung anon a ang mangyayari sa pamilya nila. Kaya nga minsan pag nakakapunta ako sa headquarters ng mga sundalo o pagnagkakaroon ng chance na may makasama akong mga sundalo, mas gusto kong hindi malaman ang mga pangalan nila para kung may mangyari man sa kanila, at least hindi ako maapektuhan.
Naalala ko nung mamatay ang classmate ko nung high school. Sobrang nagulat ako na halos blanko yung pag-iisip ko. Naitanong ko sa sarili ko kung bakit nangyari yun. Naisip ko na hindi pwedeng mangyari yun kasi bata pa kami di ba? Ilang buwan lang yata ang tanda niya sa akin. I mean, marami pang mangyayari sa mga buhay namin. Naisip ko din, hindi na siya gagraduate, hindi na siya magtatrabaho, hindi na niya makikita yung yearbook namin, hindi na siya makakapunta sa reunion ng batch namin.
Pero ayon nga din sa quote na ginamit ng pamilya niya nung libing niya, “God is not obligated to give us answers…” Tama nga naman. Hindi ako dapat nagtatanong kung bakit na siya kinuha ng Diyos. May reason ang Diyos kung bakit siya kinuha ng maaga, kung bakit namamatay ang tao.
Pero ano nga ba ang gusto kong sabihin dito? Siguro gusto ko lang i-express yung takot ko na mawala ang mga taong importante sa akin. Naisip ko kasi na habang lumilipas ang panahon at habang tumatanda ako ng tumatanda ay dumarami ng dumarami ang mga kakilala kong namamatay. Kadalasan mga kamag-anak. Siguro nga dahil matanda na sila. Pero naisip ko din, kakayanin ko kaya pag dumating na ang araw na magulang ko na ang mawala? Paano ako mabubuhay kung wala na sila?
Sa tuwing naiisip ko ito, naalala ko kung gaano kalaki ang pagkukulang ko sa pamilya ko. Kung mawawala sila sa akin, anong alaala ang babaunin ko? Halos hindi nga ako umuuwi sa bahay namin dahil sa malayo ako nag-aaral. Kung bibilangin ang times na ibinibigay ko sa pamilya ko at sa mga kasamahan ko dito sa publication, masasabi kong mas malaki pa ang time na naibibigay ko sa mga kaibigan ko kaysa sa pamilya ko.
Ngayong taon nga lang o, yung pinaka matagal kong stay sa bahay eh less than two weeks. Most of the time pa sa two weeks nay un ay tulog ako o nagkukulong sa kwarto ko. Kaya tuloy naisip ko na talagang pagsisisihan ko ang bawat oras na sinayang ko.
Oo, natatakot ako na mawala sa akin ang pamilya ko. Natatakot ako na dumating ang time na may isa sa kanila na kailangan ko nang dalawin sa sementeryo. Alam mo kung bakit? Dahil alam ko na malaki ang pagkukulang ko sa kanila. Hindi ko naiparamdam sa kanila na mahal ko sila, na mahalaga sila sa akin. Hindi ko nasabi sa kanila na kahit ganito lang ako ay pinahahalagahan ko ang lahat ng ibinibigay nila sa akin. At higit sa lahat, hindi ko man lang nasasabi sa kanila na mahal ko sila at salamat sa lahat lahat.
Kaya oo, walang gabi na hindi ako nagigising sa kakaisip sa mga bagay na yan. Walang gabi na hindi ko pinagsisisihan ang mga ginagawa ko. Pero kahit alam ko naman kung ano ang dapat kong gawin, wala pa rin akong ginagawa. Bakit? Dahil duwag ako. Dahil natatakot akong sabihin ang mga bagay na napaka importante sa akin.
Hindi ako takot mamatay. Pero takot na takot ako na may isa sa mga taong mahal ko ang mauuna sa akin. Kaya nga kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin kong mauna sa kanila dahil natatakot ako na baka pagwala na sila ay mabuhay na lang ako ng mag-isa.

0 blabblers:
Post a Comment