Tama po, may isang malaking daga na kumakaripas ng takbo papasok sa office namin at dire-diretso sa aming mini-kitchen/stockroom na naging dahilan naman sa aming pagpanic. Nagunahan kami sa pagpatong sa mga upuan at mesa paramaka-iwas sa disgusting creature na nag invade sa aming office.
At dahil mahalaga na mapalabas ang rat na iyon, nagsagawa ng rathunt operation si Caroline at si Kuya Junrell habang kami ng sisterette kong si Carla Moi ay piniling manatili sa ibabaw ng mesa. Hindi naman kami ganun ka sakim na hindi magshare ng space sa mga nilalang na walang tahanan pero hindi din naman pwede na manatili sa office namin ang rat na iyon.
Ang result? Matapos ng mga ilang minuto ding paghahanap, matagumpay na napalabas ng office ang invader na daga. Sa kasamaang palad ay para namang binaha ang office namin dahil sa nagscatter sa world ang aming mga gamit na dali-daling inilabas nang pumasok ang invader. Kaya napilitan na lamang sila (oo, hindi ako tumulong. Nanonood lang ako sa kanila)na linisin ang office. Akala ko nga ay general cleaning na naman, mabuti naman at hindi nila naisipan yun.
At iyon po ay talaga namang nagpagising sa aking tulog na utak. Effective talaga ang mga moments na ganito sa mga taong buong araw nakahilata sa kama. Napakagaling na pampagising!!!

2 blabblers:
funny. hilarious. nag txt man gani ko kay carla kay nag txt man xa sa ako na may-ara daw nag invade na rat sa inyo. haha. nice one yan! :) peace out! meshoo so much na.
as in na naputol ang among mga kalipay sa pagsulod sa lecheng rat...
...miss u too dave!
Post a Comment