Thursday, June 4, 2009

realizations

dahil nabusog ako ng bonggang-bongga last night (salamat nga pala kay Kuya J) biglang gumana ang utak kong tulog. Napakaraming bagay ang narealize ko at bigla akong natauhan... Char. Parang sure!

Heto yung ilan sa kanila:

1. Gumagastos ako ng minimum of P12/day sa pagsakay sa pedicab (tama dahil wala pong taxi dito sa Dumaguete). At naisip ko din na sa lapit ng boarding house namin sa school, ang pagsakay ko sa pedicab ay isang simbolo lamang ng katamaran at isang napakalaking gastos.

Imagine this: P12/day x 7 days=P84/week. P84 x 4 weeks= P336/month. And dahil 10 months ang isang school year, ito ay aabot sa P3,360.00 per school year. Isipin mo yun?! At yun ay mga unnecessary pedicab rides lang. Hindi pa dito kasali yung mga times na kailangan ko talagang sumakay.

2. Minimum of P20/day sa softdrinks. That would be (P140/week, P560/month and P5, 560 per school year). Mga walang kwentang gastos lang yan ha! Minimum pa lang yan. Eh minsan 3-4 times ako uminom ng softdrinks...OMG!

3. At siyempre sa tuwing iinom ako ng softdrinks ay kakain naman ako ng chichirya at kung anu-ano pang junkfoods. At siyempre dagdag gastos din yun!

4. Kailangan ko ng magtipid kung gusto kong mabili ang cellphone project for this school year. Which means I have to cut on softdrinks, junkfoods and unnecessary pedicab rides.

Kaya ang nangyari, I made up some resolutions like saving at least P10 per day aside from the money na masi-save ko sa softdrinks and junkfoods. Wala na ding internet surfing if not sa office. tapos dapat i-save ko na din yung honoraria ko (sana lang meron) this school year para dagdag sa money ko.

Ibang klase talaga ang epekto ng busog na tiyan. LOLS.Sana lang ay magawa kong pangatawanan ang mga ito. Good luck to me!

2 blabblers:

optimistic dora said...

balih, e lista jd d i nagasto yanz hah! hehe... (bsta money matters)...

just.aian said...

siyempre!para ma-inspire magsave!hahaha!

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates