Habang naghihintay ako na maluto ang pancit canton na ilang araw ko na ring pinagpa-planuhang kainin, nagbasa ako ng libro at as usual may tanong na naman na biglang sumagi sa isip ko, "Bakit nga ba nag-aasawa ang tao?"
I mean, bakit nga ba? Ano nga ba talaga ang reason kung bakit nag-aasawa ang tao? Is it purely biological or what?
At habang ako ay nakatunganga sa harap ng computer na ito (dahil hindi ko pa rin macomprehend ang ini-edit ko) bigla kong naalala na the versay question was asked by my Sociology instructor noong first year ako. And after years in college hindi ko pa rin masagot ang tanong na iyon.
Bakit nga ba? It couldn't be just love right?
I mean, hindi ba kayo pwedeng magmahalan kung hindi kayo kasal?
Besides, hindi ba mas sweet naman ang magkarelasyon kapag hindi pa sila kasal? Pag kasal na kayo marami na kayong problema tapos pag ayaw niyo na sa isa't isa di pa kayo pwedeng mag-cool off or magbreak.
So, why?
=============================
Ito pang isa, bakit nangangaliwa ang tao? Lalo na pag kasal na.
I mean, think about it. Gumastos ka ng malaki para ikasal tapos mambababae or manlalalaki ka rin lang naman pala.
Di parang nagsayang ka lang ng pera.
Bakit hindi na lang nanatiling binata or dalaga kung di rin lang naman pala kayang makuntento sa isa di ba?
At least kung hindi kayo kasal at ayaw mo na sa partner mo at least pwede kang makipag break. Eh bakit gagawin mo pang complicated ang situation mo by marrying?
==============================
by the way, still posting by email. There is something wrong with my blogger account.Besides, I kind of like the font when the post is email posted.
--
Don't blame me for things I cannot control. I am human, just like you.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
check ur page rank.
Check Page Rank of your Web site pages instantly: |
This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service |
0 blabblers:
Post a Comment