Isang Mapulang Pagbati po sa Inyong Lahat.
Wala naman, naisip ko lang na malapit nang matapos ang Agosto puro English pa rin ang aking mga posts dito. Naisip ko lang na maki-isa naman sa selebrasyon ng Buwan ng Wika.
Kamusta naman po kayo? Gaya ko ba ay madugo rin ang mga umaga ninyo?
Katatapos lamang ng Midterm week at isang napakahabang weekend pero para naman akong hindi nagpahinga. Wala pa rin akong ganang pumasok sa klase at makinig sa monologue ng aking guro. Nakakatamad ng pumasok lalo na at alam mo na wala ka namang natutunan. Nakakamiss tuloy yung mga panahon na puro major subjects pa kinukuha ko.
Pero 'wag na lang nating isipin yun. Wala din naman akong magagawa. Pagdating ng alas nuwebe, sa ayaw at sa gusto ko, papasok pa rin ako sa klase.
Isang mas madugong araw pa ang naghihintay sa akin. Wala na bang katapusan ito?
Sige, hanggang dito na lang muna. May tatapusin pa ako.
Paalam!

0 blabblers:
Post a Comment