Showing posts with label frog princess. Show all posts
Showing posts with label frog princess. Show all posts

Friday, February 6, 2009

Tabing Ilog

4blabblers
At dahil mga lakwatsero at lakwatsera ang mga dakilang Power Rangers, nakarating na naman kami sa kung saang kabundukan ng Negros Oriental! At dahil wala namang ilog sa aming bundok ay nagpakasasa kami sa pagpapa-picture sa tabi ng ilog...

Sayang nga lang at nalow-bat ang camera kaya kaunti lamang ang pictures namin doon. Sobrang ganda ng ilog at sarap sanang magswim doon kung meron nga lang kaming dalang mga damit. Mga lakwatsera kasi kaya nag-eskapo lang kami mula sa aming mga gawain sa Dumaguete. Pero ayun na rin sa usap-usapan at plano-plano ay babalik daw kami doon at maliligo sa ilog na sa sobrang lakas ng agos ay medyo nakakatakot din.


Siyempre take life lang din naman talaga kami sa mga lakwatsa namin dahil hindi magtatagal ay hindi na rin kami magkakasama. (*cry*cry*cry). Isang buwan na lang at magkakahiwalay na rin ang Power Rangers kaya grab every oppurtunity na magkasama ang drama.

At siyempre documented ang bawat lakad. Salamat naman sa Kodak EasyShare C513 at SonyEricson (don't know the model) para sa aming mga pictures. Go sa pose at project ang drama. Bahala na kahit hirap na hirap na basta pwedeng magpose, go!

At balik tayo sa Tabing Ilog adventure. Hindi naman talaga ganun ka adventure dahil wala naman talaga kaming ginawa maliban sa magpose at magpose doon sa tabi ng ilog at pumatong sa mga malalaking bato na nandun. Pero siyempre dahil new place and new environment, adventure pa rin na matatawag yun!
Siguardong mamimiss namin ang mga lakad na ito pagdating ng araw na magkakahiwalay na kami. Pero gaya ng mga bato na nanatili sa ilog despite sa lakas ng agos na humahampas dito, mananatili din kaming malakas at handang humarap sa mga hamon ng buhay. Gaya ng ilog na patuloy na umaagos, mananatili ang pagkakaibigan na pinalakas na ng panahon.

Hindi dito sa ilog nagtatapos ang adventures ng Power rangers. Marami pa ang darating. Limitado man ang oras at maikli man ang panahon, sasagarin namin ito.

Kami ang Power Rangers, mananatiling matatag anu man ang hamon ng buhay.

Sunday, January 11, 2009

R U man enaf?

2blabblers
usapang lalaki tayo ngayon...

"Real men should act like men..."

tag line ng isang beer commercial.
Tama nga naman. Ang lalaki dapat mag-astang lalaki. Hindi lang ako agree kung paano pinoportray ang line sa commercial but I agree with the line.

doon kasi sa commercial "parang" pinapakita na 'pag lalaki ka ay hindi ka pwedeng maging sweet o thoughtful at hindi ka pwedeng magbigay ng fashion opinion. Which is, for me, hindi naman tama.

Anyway, ang mga lalaki dapat magpakatotoo. It always bothers me na yung mga lalaki kadalasan ayaw aminin yung nararamdaman nila dahil natatakot sila na matawag na bakla. I don't think bakla ang isang lalaki pag inamin niya na nanghihina siya, natatakot siya o naiiyak na siya. Tao din naman siya hindi ba?

I think mas lalaki ang mga taong kayang ilabas ang emosyon nila. Mas malakas sila dahil hindi sila nahihiya na ipakita sa iba na tao sila.Hindi sila nagpre-pretend na malakas sila kahit ang totoo ay halos bumaha na ang luha nila.

Mas admirable naman ang mga lalaking yun di ba?Hindi ba mas lalaki naman sila kaysa sa doon sa iba na nag aastang matapang tapos wala naman palang ibubuga.

Pero ang pinaka hinahangaan ko ay ang mga lalaking kayang humarap sa kahit na anong pagsubok ng hindi sumusuko. Yung mga lalaking kayang humarao sa responsibilidad at tinatanggap ang anumang resulta ng mga actions nila. Mas humahanga ako sa mga lalaking hindi lang puro porma ang alam; yung lalaking cool under pressure, yung matalino, at hindi takot humarap sa pagsubok.

Para sa akin yun ang tunay na lalaki; yun ang tunay na gwapo.Hindi lahat ng lalaki ganun. Lalo na ngayon...kaya ako, pagnaka hanap ng lalaking ganito, hindi na ako magdadalawang isip...hindi ko na pakakawalan pa!!!

Saturday, January 10, 2009

Bagong URL...

2blabblers
at dahil nababaliw na naman ang maarteng palaka na wala ng ibang alam gawin kundi palitan ang mga charchar ng blog na ito, BAGO NA PO ANG URL KO.

its now http://princessfroglet.blogspot.com...bago na kasi new year na...aw?

promise...hindi ko na talaga pakikialaman ang template ng blog na 'to...

===========================================================
anyway..I am now OFFICIALly 20! Yipeee!!!!
is my beerday...is my deerbay...is my beerday...!!!!
YoHO!!!!!
happy beerday toooo meeee!!!
wala lang...hehehehehe

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates