Monday, October 27, 2008

butas na bulsa...

Wala na naman akong pera.
Hindi ko na alam kung ano gagawin ko.
yung mga tao sa bahay hindi nagrereply sa mga makabagbag damdamin kong mga text.
naisip ko mamalimos na lang...
'lam mo na, punta sa boulevard.
tapos pakanta-kanta dun ng kaunti.
o di kaya mag teary eye effect.
siyempz yung pang FAMAS na acting di ba.


yung mga bata nga dun sa boulevard of broken dreams, kakanta lang ng five seconds
tapos may five pesos na agad. Subukan ko din kaya yun?
kahit sabayan ko pa ng sayaw, acting...'lam mo na,
yung pang Star Circle audition ang dating...
siguro naman may magbibigay sa akin...

ramdam na ramdam ko na talaga ang kahirapan.
ramdam na ramdam ko na na hindi ko na naman makakain yung mga peyborits ko.
huhuhu. bakit ba kasi lahat kailangan bilhin?
di ba pwedeng libre na lang?

sino mayaman diyan? pautang naman oh...;)

0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates