Tignan mabuti ang larawang ito.
Hindi. Walang nakakatakot diyan. Wala ka ring makikitang hidden message diyan. Wala diyang mapa ng kung ano treasure na iniwan ng kung sinong henyo. Titigan mo lang.
Ganyan na ganyan ang sitwasyon ko ngayon. Dumudugo na naman ang ilong ko, ang gums ko, ang tenga ko, siyempre pati na rin ang pores ko. Major hemorrhage na 'to. Sa katunayan, understated nga masyado ang picture na ito. hindi nito naisasalarawang mabuti kung gaano kalala ang hemorrhage ko.
Pinipilit ko kasing matapos ang Editorial na pinagawa sa akin. Ang topic, MOA on Ancestral Domain. Magandang topic, napakaraming diskusyon tungkol dito, napakaraming resources na mapagkukuhanan. Ang problema, hindi ko lubusang naiintindihan kung ano ba talaga ang ibig sabihin nito.
Ano nga ba talaga ang pakinabang ng MOA na ito? Ano ang kaya nitong gawin at ano ang benepisyo nito sa mga pilipino? At siyempre, ano nga ba ang opinyon ko dito?
Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi naman sa wala akong pakialam sa Pilipinas at kung ano man ang nangyayari dito. Hindi rin naman sa wala akong kaalam-alam sa tinatawag na "current events". Nagbabasa naman ang ng diyaryo araw-araw. Nagfo-follow up din ako ng mga pinaka bagong balita sa internet. Alam ko naman kung ano ang topic, yun nga lang hindi ko lang alam kung paano ko isusulat ito sa paraan na maiintidihan ng mga ordinaryong estrudyante na gaya ko.
Seryosong bagay ito at malaki ang epekto sa bansa. Hindi pwedeng kung anu-ano lang ang isulat ko, dapat kaya ko itong panindigan. Pero paano kung hindi ko nga alam kung ano ang opinyon ko sa bagay na ito.
Marami akong di naiintindihan sa topic na to. Gusto kong malaman yung dalawang side ng isyu para matimbang ko kung pro ba ako o anti. Ang problema, hindi sapat na basahin ko lang ang mga articles at opinyon na nakasulat sa internet at diyaryo...kailangan ko ng taong mag-iexplain sa akin nito.
Napakarami kong gustong itanong, pero sino naman ang makakasagot sa akin? Wala. Ngayon, paano ko tatapusin ito? Hindi ko alam. Ang tanging alam ko kailangan ko na ng blood transfusion dahil wala na akong dugo sa sobrang pagnosebleed sa mga binabasa ko. Wala akong maintindihan kahit kaunti. Di naman ako law student, abogada, politiko, o kahit mahilig man lang sa politika. Naghe-hemorrhage na ako sa mga terms at mga words na por dios por santo ay ngayon ko lang nakasalubong.
Paano kaya ito? Paano na ako? Paano na ang dugo ko?
Ewan. Sana lang magkamilagro. Sana maliwanagan ako. Sana...sana...




0 blabblers:
Post a Comment