
Ilang taon na nga ba ako sa Friendster?2003 ng una akong mag-open ng Friendster account. Wala lang. Subok lang. Gusto ko lang makita kung ano yun. Yung una kong Friendster account, boring. Wala pang "Customization" setting nun eh. Wala pa akong masyadong kaibigan. Yung pics ko mga cartoon characters pa. Siyempre, high school eh.
2004 ng mag-open ako ng panibagong account. Wala lang. Feel ko lang. Malaki na rin ang ipinagbago ng Friendster account ko simula ng una ko itong i-open. Dun din nagsimula ang hilig ko sa blog though mas nauna akong nagkaroon ng blog account sa Multiply. Dumami na rin ang mga friends ko, at na improve na rin ang page ko.
Minsan nakakabagot na rin ang friendster. Wala ka naman kasing ibang magawa dun kung hindi magcheck ng messages, magbrowse ng bulletin, magcheck kung sino ang nagview ng profile mo o mag-aprrove ng comments kung meron. Pwede ka ring mangulit ng ibang tao kung feel mo o di naman kaya magcheck ng profile ng iba, pero pagkatapos nun...wala na.

Nakakabagot na. Kaya minsan lang talaga ako mag log-in sa Friendster. Mas madalas na sa MyYearbook ako, may mga games kasi dun at maraming charnezz na pwedeng maka-entertain sayo. Dami ding activities na pwede mong gawin. Minsan andun din ako sa Cyberworld. May mga games din dun, tapos may mga minime, mini rooms at kung anu-ano pang charness floo na pang-attract ng users.
Pero siyempre, gaya ng iba, mahirap din iwan ang Friendster. Ang dami ko kasing kaibigan at kaklase nung high school na nandun. Yung iba hindi ko na nakikita at dun na lang kami nagco-communicate. Buti na nga lang may Friendster, pano na lang kung wala di ba?
Kaw, may friendster ka ba? Add mo ko ha...bugzeater@yahoo.com..
kita kits!!!




0 blabblers:
Post a Comment