at pag nababaliw ako, nagtatagalog ako.
Sori na ha!
Gusto ko mag-post pero hindi ko alam kung ano ang isusulat ko. Heto na naman ang utak ko, blanko, walang laman, walang pakinabang. Lagi naman eh.
Dati hindi naman ako ganito. Dati nga sabi ng mga tao matalino daw ako. Oo, valedictorian pa nga ako nung elementary di ba, tapos nag science high school pa, tapos Section A...
Dati akala ko talented ako. Totoo! Lahat ng aktibity sa skul sinasalihan ko, declamation, oration, impromptu, extempo, verse choir. Siempre sumali din ako sa mga press conference, writing contests, at kung anu-ano pang contest na maisipan nilang pasalihan akin. Nananalo naman ako.
Dati, makapal ang mukha ako. Mas makapal kaysa ngayon. Kasi, dati sumasali pa ako sa mga choirs and dance contests. As if naman marunong ako. Hindi naman kasi ako marunong sumayaw eh, at mas lalong hindi marunong kumanta.
Siyempre sumali din ako sa pageant. Once lang yun ha...first time ko yun...nanalo ako. Siyempre, wala silang choice eh. Elementary pa ako nun, grade three. Sa lahat ng contestant ako lang yung may mukha na pinaka-malapit sa tao kaya ako na lang yung nanalo.
Pero dati yun. Iba na ngayon.
Siyempre ngayon malaki na ako, alam ko na na hindi ako talented at hindi naman talaga matalino. Feeler lang talaga ako.
Ambisyosa sabi nga ng iba. Well, at least may ambisyon di ba!
Ang saya! Ang saya ng layp!
wala na akong maidagdag...
kailangan ko na din umalis dahil magu-tutor pa ako...
lam niyo na, pera...
kailangan maghanap buhay, lumalaki na ang mga bata...
hehehe...
babooosh!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
check ur page rank.
|
Check Page Rank of your Web site pages instantly: |
|
This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service |




0 blabblers:
Post a Comment