imaginin mong mabuti yung natutunaw na cheese.
ganun na ganun yung itsura ng kaliwa kong tonsil.
Todo nganga ako sa harap ng salamin kanina, hiniram ko ang cellphone ni cathy kasi may flashlight tapos humarap ako sa salamin at ngumanga ng bonggang-bongga.
Ayun, kitang-kita ng dalawang mata ko ang isang yellowish na something na nakadikit sa tonsil ko. Nakadikit siya na gaya ng pagkakadikit ng mozzarilla cheese sa ibabaw ng hawaiian pizza.
Kaya pala parang may mapait na akong nalululon kanina. Kaya pala para na akong lumululon ng bato sa sobrang sakit ng lalamunan ko...meron na palang cheese na nakadikit sa aking throat.
Siyempre go kaagad sa pakita sa mga prendz. As in ngumanga talaga ako ng sobra para iprove sa kanila na meron talagang naligaw na cheese na nakadikit sa lalamunan ko. Siyempre, concerned sila...buti pa sila.
Kinuha ko agad ang cp ko at go sa text sa parents ko na living in the beautiful bukid of Negros Occidental. Text to the max ako sa aking mga kamag-anak sa pag-asang sila ay maawa sa aking lalamunan at sa mahiwagang chesse na dumikit dito. Type...type...type...pindot..pindot...pindot...SEND TO MANY siyempre para layshu!
Ayon, hanggang ngayon walang ni-isa mang nagreply. Congratz! Heto ako, namamaga ang lalamunan dahil sa isang bonggang-bonggang cheese na walang awang dumukit dito at ni-isa man sa kanila ay wala man lang nagreply. Wala man lang silang comment sa kapalaran ng aking throat. Kahit sana pasaload man lang...
sige, maghihintay na lang ako...wala din naman akong magagawa di ba?sana magtext na sila o mas mabuti tumawag...nakalimutan ko kasi sabihing wala na din akong allowance eh...lam mo na baka feel nila magpadala...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
check ur page rank.
|
Check Page Rank of your Web site pages instantly: |
|
This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service |




0 blabblers:
Post a Comment