Monday, November 10, 2008

Very Important Health Advisory

[May bagong sakit na lumalaganap sa bansa ngayon. Pinapayuhan ang lahat na basahin ang sumusunod na advisory. Tandaan, ang sakit na ito ay lubhang delikado at hindi dapat ipagwalang bahala.]

Bagong uri ng Sakit natuklasan

Ayon sa Department of Health ay may isang nakakahawang sakit na lumalaganap ngayon sa bansa. Base sa pagsusuri na ginawa ng mga dalubhasa, ang sakit na ito ay kinilalang Baboy Syndrome, isa di-umanong pambihira at nakakahawang sakit na kadalasan ay nakikita sa mga kabataan.

Ayon sa mga dalubhasa, ang sakit na ito ay may simtoma ng madalas na pagkagutom, pagiging matakaw, at labis na pagka-antok. Ayon sa pagsusuri, madalas na nakakaramdam ng pagka-tamad at pagka-antok pagkatapos kumain ang mga may ganitong sakit.

Maliban sa pagiging matakaw at madalas na pagtulog, ang mga may baboy syndrome ay kadalasang nakakapansin ng paglaki sa iba't-ibang parte ng katawan gaya ng baywang, braso, at mukha. Nagkakaroon din ang mga ito ng biglang pagdami ng taba sa katawan na nagiging kapansin-pansin dahil sa di mapigilang pag-apaw ng taba sa katawan.

Ayon pa sa DOH, ang mga taong nakakaranas ng baboy syndrome ay nakakaranas ng matinding depresyon at pagbabago. Dagdag pa dito ay kumpirmado di-umano na nagbabago ang anyo at nag-iiba ang kulay ng mga taong apektado ng ganitong sakit. [tignan ang larawan sa ibaba]

Pinapayuhana ng DOH ang lahat na huwag magpanic at manatiling kalmado. Sa ngayon, hinahanapan na ng lunas ang sakit na ito.


Warning: Mag-ingat! Delikado. Nakakahawa. Pinapayuhan ang lahat na lumayo sa mga bagay na pwedeng mahigaan pagkatapos kumain upang hindi mahawaan ng sakit na ito.
























Warning ulit: Kung ikaw ay nahawaan na...well, sorry ka na lang...wala na kaming magagawa diyan. Pumunta kaagad sa pinakamalapit na veterinarian para magpabakuna at lumayo sa mga slaughter house o barbeque stands. Umiwas sa mga fiesta, birthday, kasal o kung ano pa mang okasyon.

2 blabblers:

paperdoll said...

haha. . parang konektado sa post co toh ah! kaw ah! tinitira mo co! lol

just.aian said...

hindi naman po...nagkataon lang siguro...hahahaha

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates