Monday, November 10, 2008

bakit discouraging ang love...?

Sabi nila masarap daw ang ma-in love. Sabi nila masaya daw ang ma inlove. Pero sa tingin ko, hindi.
Kasi kung totoo ang sabi nila, eh bakit lagi na lang silang umiiyak? Bakit lagi na lang silang namu-mroblema?

Yung mga tao sa paligid ko, lagi na lang sinasabi na magbabago daw ang buhay ko pagna-in love ako. Well, tingin ko nga. Kasi kung magiging kagaya ng buhay nila ang buhay ko pagna-in love ako siguradong hindi na ako ngingiti.

Iniisip ko pa lang na merong oras-oras na nag-u-update ng kilos ko nasasakal na ako. Isipin mo na lang na halos minu-minuto ay may nagtatanong sayo kung nasaan ka, anong ginagawa mo, sinong kasama mo...goodness!

salamat na lang po, buhay pa ang mga magulang ko. Besides, di nga nagtatanong mga magulang ko kung ano ginagawa ko eh...

Ipinanganak at pinalaki akong malaya ng aking mga magulang at hindi pa yata ako handa na pakawalan ang kalayaan na yun. Base kasi sa aking mga na-observe, masasabi ko na ang taong in love ay parang bilanggo. Sa tingin ko kasi hindi naman dapat na bantayan ninyo ang isa't-isa, hindi kailangan na oras-oras ninyong i-update ang isa't-isa at mas lalong hindi ninyo kailangan na magpa-alam sa isa't-isa para gumawa ng bagay na, haller, ni hindi mo ipinagpapaalam sa mga magulang mo.

Kailangan ba talaga na oras-oras ay ipaalam kung ano ginagawa mo? Kailangan ba talaga na bawat kilos kailangang ipagpaalam? At pagsinabi ba ng karelasyon mo na hindi ay hindi mo rin gagawin? Well, I don't think so. Haller! Kung mga magulang mo nga ang magsabi ng hindi eh hindi mo sinusunod tapos karelasyon mo lang takot ka na?

Kung ganito ang kondisyon ng mga taong in love, ayoko nang ma-in love. Di bale na lang oi. Mas gusto kong maging malaya.

Feeling ko minsan gusto lang nilang maghiganti eh kaya nila ako tine-tempt. Gusto lang nilang maranasan ko yung dinadanas nila. Salamat na lang po... hindi po ako interesado.

Ang ipinapanalangin ko lang sa tuwing naririnig ko silang nagrereklamo about sa mga relasyon nila, pagnakikita ko silang umiiyak at nasasaktan, na sana hindi ko maranasan ang nararanasan nila. I just wish I won't commit the same mistakes as they did. Sana hindi ko din maisipang magpa-alipin sa pag-ibig, magpabilanggo sa iba at hayaan ang iba na saktan ako dahil lang sa pesteng chemical reaction na na-commercialize at tinawag na pag-ibig.

hindi ko lang talaga feel ang makipag-relasyon. Kontento na ako sa mga crush ko. Kontento na ako sa mga 'egat' moments ko pagnakikita ko ang mga crush ko. Kontento na akong manood sa mga kaibigan ko na [sana lang] masaya sa mga relasyon nila. Kontento na rin ako na umupo sa tabi nila pag iniiwan sila ng mga hayop na lalaking hindi man lang nagpapahalaga sa kanila. Kontento na akong mag'yawyaw' mode sa tuwing nagpapaka-tanga sila at pinipilit isara ang mga mata nila sa katotohanan na hindi naman talaga worth ang taong ipinaglalaban nila. Kontento na ako...promise!

Di bale na ang walang ka-date, itutulog ko na lang ang mga moments na yun mas mag-eenjoy pa ako. Di bale nang walang aasahan sa Valentines, tutal commercialize na rin naman yun at saka dagdag gastos lang yun noh. Di bale nang walang nagtatanong kung nasaan ako at sinong kasama ko, mauubos lang din naman ang pasensya ko. Di bale nang lagi akong walang kasama sa pamamasyal, tutal mas feel ko din naman talaga ang mapag-isa. Di baleng walang sweet na nagtitext, di rin naman ako nagrereply. Di baleng walang ka-plano para sa future, kaya ko naman magplano sa sarili ko.

Salamat na lang po...ayokong ma inlove. Ayokong maging bilanggo. Ayokong magpaka-tanga. Siguro balang araw, pagwala na talaga akong magawa sa buhay ko. Balang araw pag nagsawa na ako sa buhay ko, probably makikipag-relasyon na ako. Sana lang pagdating ng araw na yun handa na akong talikuran ang kalayaan na tinatamasa ko ngayon.

Pero sa ngayon, makontento na rin kayo sa akin dahil nakokontento na rin ako sa inyo. Matuto kayong maghintay at tigilan niyo ang kakakulit sa akin dahil balang araw makaka-decide na rin ako kung ba talaga ang definition ng pag-ibig sa buhay ko. Sa ngayon, mag-oobserve na muna ako at susubukan kong matuto mula sa mga pagkakamali ninyo.

0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates