Thursday, November 20, 2008

Bloghopping in between

Para naman hindi sumabog ang ulo ko at maubos ang dugo ko sa kaka-edit ng mga articles dito sa office, ako ay pansamantalang maglilibot sa blogosphere.

Click dito, click doon. Basa dito. Basa doon. Basta maaliw lang. Kung magfo-focus kasi ako sa ginagawa ko dito at hindi ko ibabaling ang atensyon ko kahit ilang minutes lang sasabog na ang ulo ko. Hindi naman sa ganun kahirap i-edit yung mga trabaho nila, pero sa dami kasi ng ideas minsan hindi mo na alam kung paano mo aayusin na maiintindihan ng lahat.

Marami pa akong tatapusin kaya sandali lang akong maglilibot sa mga blogs ng kung sino-sino diyan. Siyempre, kailangan ko rin mag-iwan ng bakas sa mga pages nila para naman mabisita din nila ako.

Ilang beses na ako bumalik sa page ni Paperdoll kasi baka may bago siyang post kaya lang wala pa rin eh. Nasaan kaya yun ngayon? Kaya naman binisita ko na lang yung mga blogs ng mga tao sa cbox niya...ang saya... nabasa ko yung blogs nila Ronturon, Super Gulaman, Dedpish at marami pang iba na hindi ko na maalala....Suggestion ko lang visit niyo din mga blogs nila para maaliw din kayo...

Comment dito, comment doon. Click na naman ng bago. Basa-basa.

Sige...balik na ulit ako sa work ko...

=)

2 blabblers:

paperdoll said...

haha. . sinisilip mo pala aco ah. . hehe. . naisip co kasi na wag magsulat arawaraw para naman hindi maubos laman ng utak co. . nagrereserba aco para sa susunod. .

editorba tawag sa'yo? kasi nageedit? haaha. . tangatangahan na naman aco. . wala na naman aco sa sarili co neng. . lol

just.aian said...

oo, sinisilip kita from time to time baka kasi may bago ka na namang kalukuhan eh...hehehehe

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates