Tuesday, November 18, 2008

A Dare? No Thanks...


Hindi ko alam kung ano ang nakain ng mga tao dito sa office kagabi at bigla na lang ako ang napagtripan nila. Sa tingin ko ay nagkulang na naman ang supply nila ng pinatuyong glue dahil panay ang ulan nitong mga nakaraang araw. [Incidentally, umuulan sa tuwing nagpaplano akong maglaba...bakit kaya?]

Anyway, ganito ang nangyari...

uhm..actually hindi ko nga pala alam kung saan nagsimula at kung ano ang talagang nangyari bago 'yon. Ang alam ko lang biglang kinikilig ang mga tao dito tapos nagtuksuhan. At sa hindi malamang dahilan [suspek siyempre ang glue na nagkukulang ang supply], bigla na lang sinabi ng babaeng itago nalang natin sa pangalang
maria margarita narvasa a.k.a marga na excited na daw siya pagdumating ang araw na magkaboyfriend ako...as if magkasama pa kami sa mga araw na 'yon.

At doon na sila nagsimula. Lahat na yata ng tukso inabot ko na sa kanila hindi lamang kagabi kundi pati na rin sa ibang mga araw. come to think of it, halos araw araw ay may nagreremind sa akin na wala akong boyfriend at kailangan ko daw magkaroon. As if naman para lang yung sanitary napkin na pag naubusan ka ay pwede ka lang tumakbo sa malapit na tindahan at bumili.

Ang ending ay sinabi ni Dadoodz, [itago na lang natin siya sa pangalang
Noriel Bajon Jr.] na dini-dare niya ako na magkaboyfriend. Dapat daw ay bago maggraduate ang batch namin ay meron na akong boyfriend. Wow, para lang news article na may deadline.

Anyway, hindi naman kailangan mag-alala ng mga lalaki sa world dahil wala naman akong plano na kumagat sa dare na yun. Naisip ko lang na kawawa naman ang lalaking makikipagrelasyon sa akin lalo na kung makikipagrelasyon lang ako nang dahil sa isang dare.

Hindi naman po ako ganun kasama.

Salamat na lang po pero wala naman akong planong maglaro at mapaglaruan. Unfair naman yun kung gagawin ko di ba? May respeto pa naman ako sa sarili. Saka na lang siguro pag bored na talaga ako sa buhay ko.

Besides, wala naman sa mga tao dito ang gusto ko. Hindi pa ako nakakatagpo ng tunay na lalaki sa buong buhay ko. Naisip ko kasi, karamihan sa mga lalaki sa 21st century ay lalaki lang sa birth certificate pero hindi naman kayang panindigan ang pagkalalaki nila. Meaning, karamihan sa kanila irresponsible at walang disiplina. Isa pa, wala pa akong taong nakakatagpo na makakasagot pag tinanong ko ng bakit. Akala kasi ng karamihan sa kanila na pagkinikilig ka sa isang tao pag-ibig na yun. Sa tingin ko hindi.

And isa pa, I still have to find a man who knows the meaning of the word honesty and trust. Wala pa din akong nakikitang lalaki na hindi lang attractive physically. Kadalasan kasi mabuti lang tignan pero never mind din naman pag nasimula nang magsalita. Turn off.

Most men, and of course women also, of today does not seem to mind their values and manners anymore. Kaunti na lang talaga ang lalaki na may modo sa mundo. At siyempre, saludo ako sa iilang natira.

Kaya pasensya na mga kaibigan. Hindi ko tinatanggap ang hamon. I am not scared of challenges but this is one challenge I can do without. Pag aaksayahan ko na lang ang panahon ko sa ibang mga bagay. Hindi ko naman kailangan ng boyfriend para maging masaya o para iprove na babae ako. Hindi ko kailangan ng boyfriend para makumpleto ang buhay ko.

Besides, it's not compulsory right? So why bother?

7 blabblers:

Unknown said...

hahaha. we are discussing it again at this moment. haha. and last say, WE CANT IMAGINE YOU HAVING A BF.

haha. i bet the guy who plans to court you te will suffer. nyahahaha. peace. =)

just.aian said...

ah so...
at sino naman daw ang kasama mong nagdidiscuss nito?
----

of course he will suffer...he has to..otherwise he won't learn to treasure what he has...

mavs said...

ahm..actually handa akong magsuffer..

when and where can i submit my application?

wala namang qualifications diba?

at least human lang siguro (peru mukhang dun pa lang alanganin na kung makakapasa ako..lol)

Unknown said...

..kua noriel, kua joel, ate carla. hehehe. =)

---

haha. what kind of sufferings will he undergo?

just.aian said...

@ mavs..sabi ko na nga ba may pagnanasa ka sa akin...

kung interested ka pa rin you may now pass the following:
2 copies of your birth certificate
2 copies 2x2 ID picture
2 copies complete medical/dental/neuro-psychiatric certificate
1 copy certificate of no marriage
2 copies parents permit signed by both parents
2 copies bank account statements
2 copies statement of assets and liabilities

and you are also required to pass the physical examination where you will be required to do 1000 push ups [2 be performed 10 times], 100m sprint [which will be performed 25 times], and other activities which will measure your physical fitness.
oh ano? When ka papasa ng requirements?

@mary [mary ka jan!] paki basa na lang ang nakasulat sa taas...

overview lang yan...=)

paperdoll said...

wahaha! wow! may pagtitinginan pala keo ah!. . hmmm. . tinago mo sila sa pangalang hindi sila makikilala. . ayos!

hindi parang napkin ah? oo nga naman. . hehe. . pero masarap talaga ang feeling pag meron ka ng special siopao. . lol

hmmm. . babae ka nga ba? babae din hanap mo? sana ganyan din aco kapihikan katulad mo. . haha. .

just.aian said...

nagpapa-intriga lang yang si mavs...
hindi nga din ako sigurado kung babae ako eh...LOL...

seriously, lalaki talaga ang type ko...yung totoong lalaki hindi yung nagkukunwari lang na lalaki...

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates