Saturday, November 22, 2008

isang pangarap na nakasulat sa ulap

Isang beses pa lang akong humingi ng buong puso sa Diyos ngunit hindi niya ako pinagbigyan.

Sa dami ng mga bagay na ginusto kong makuha, isa lang ang talagang ginusto ko na galing talaga sa kailaliman ng aking pusod . Isang pangarap na ilang taon ko ding iningat-ingatan at inalagaan sa pag-aakalang makakamit ko din ito kahit pa sinasabi ng lahat na imposible. Noon pa man ay matigas na ang ulo ko, kaya ni minsan hindi ako naniwala sa mga tao sa paligid ko.

Hindi ko alam kung kailan talaga nagsimula ang pangarap kong maging assassinsundalo. Ang tanging alam ko lang ay matagal na itong nasa puso ko Naaalala ko pa noon na tuwing tinatanong ako kung ano ang gusto kong maging ay agad kong sinasabi na gusto kong maging abogada kagaya ng Tita ko. Madalas kasi akong pagalitan pag maydala-dala akong laruang baril kaya naisip ko na kapag sinabi ko na gusto kong maging sundalo ay pagagalitan lang ako.

Noong high school ako ay tinanong ako ng Mama ko kung ano ang gusto ko talaga sa buhay ko. Sabi ko sa kanya na gusto ko talagang maging sundalo. Halos maiyak ako ng sabihin niyang tanga ako kung yun ang gusto ko. Sabi niya kasi, nababaliw na daw ako para mangarap na maging sundalo e napaka sakitin ko. Kaya mula noon ay tumahimik na lang ako.

Tanging mga kaibigan ko lang ang nakakaalam ng talagang gusto ko sa buhay ko. Alam ko kasi na ito ang isang bagay na hindi maiintindihan ng pamilya ko. Isa pa, tama naman sila. Baliw nga ako para mangarap ng isang bagay na alam ko namang imposible.

Kahit kailan ay hindi ako magiging sundalo. Yun ang totoo na matagal ko na ring tinanggap kahit pa masakit sa puson puso ko.

Pero bakit nga ba gusto kong maging sundalo?
Malamang isa na din sa mga rason ay dahil gusto kong patunayan sa lahat at sa sarili ko na kaya ko. Siguro dahil na rin ayaw ito ng pamilya ko kaya gusto ko. O dahil exciting ito. Pero mababaw lang na dahilan yun hindi ba?

I want to make a change. Gusto kong magkaroon ng parte sa buhay ng mga tao sa paligid ko kahit pa hindi nila alam na nag-eexist ako. I love the diea that I am defending my country and my people, something that I don't have the strength to do. Gusto ko din yung ideya na mamatay para sa bayan. I mean, kung mamamatay din lang naman ako ng walang dahilan, di mas mabuti pang mamatay na lang ako para sa iba para naman magkaroon ng silbi ang buhay ko.

Pero pangarap lang ang lahat ng iyon. Alam ko na ngayon na hindi naman talaga magkakatotoo. Tanggap ko na kung saan ako inilagay ng Diyos. Alam ko naman na may mas mabuting nakalaan para sa akin.

siguro ito na yun...o siguro hindi rin...

5 blabblers:

paperdoll said...

alam mo ba gusto co umakyat ng bundok dati para maging npa o milf. . hehe. . ayos naman maging sundalo kaso nakakatakot. . nakakatakot na makikita mo ung kasamahan mong patay, na naputulan ka ng daliri o binti. .

unique kung iisipin. . pero hindi pa rin maganda.

ang ganda ganda mong babae tapos puro tahi ang tiyan mo dahil pinagbabaril ka ng armalite ng mga kalaban mo. . lol

just.aian said...

okay lang naman yun eh..
at least di ba nasugatan ka para sa kabutihan at hindi dahil sa basag-ulo...

=)

paperdoll said...

ewan co lang. . basagulera aco eh. . haha. . sayang beauty mo. . kaw din!

mavs said...

hay naku MP kung alam mo lang ang suot ni aian nung isang araw (panu mo nga pala malalaman? lol)

camouflage (tama ba ung spelling?) lang naman mula sa ulo hanggang paa (eksaj yata ang description ko yanz)

ah basta agree talaga ako na hanggang ngaun di mo pa rin binibitawan ang pangarap mong maging bonggang sundalo...

sige..libre naman daw mangarap eh...tsaka marami ka ng napatunayan sa sarili mo, di na mo na kelangan pa maging sundalo...

just.aian said...

@paperdoll: LOL! Wala naman akong beauty na masasayang eh...hehehe

@mavs...hindi naman masyado mavs...
I let go of that dream a long time ago already...army fatigue is just my favorite color and nothing more...=)

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates