Wednesday, December 10, 2008

Biyaya at Misteryo

Mauna tayo sa misteryo.

Kahapon ng umaga, around 7am, ay nanaginip ako. Alam mo yung tinatawag nilang lucid dreams? Yung feeling mo totoo pero hindi. Basta yun.

Anyway, nanaginip ako na umakyat daw ako sa second floor ng bahay namin. Pagdating ko sa taas may nakita akong maraming ahas. Iba't-iba ang laki, itsura at kulay. Hindi naman ako mahilig sa ahas kaya hindi ko alam anong klase ang mga yun. Pilit ko silang iniwasan, maingat akong naglakad para hindi sila maapakan. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto ng biglang may isang napaka-laking ahas na kulay pula at mukhang cobra na sumubok na tumuklaw sa akin. Noong una ay ang sapatos ko ang natuklaw niya kaya sinipa ko siya ng malakas. Tapos umatake ulit siya at natuklaw niya ako sa binti. Masakit. Naramdaman ko talaga na sumakit yung binti ko.

Tumingin ako sa binti ko at nakita kong maraming dugo. Humiga ako sa sahig at tinawag yung mga tao sa bahay namin. Naghihingalo na ako habang silang lahat ay nakapaligid sa akin. Ang hindi ko lang maintindihan dahil habang ilang beses kong inulit-ulit sa kanila na dalhin ako sa ospital ay nakapaligid pa rin silang lahat sa akin, nakatingin lang at TUMATAWA.

huh? Amazing di ba?
Sabi nila pag nanaginip ka daw ng ahas ay merong isang taong malapit sayo na makaka-away mo. Meron daw magta-traidor sayo. Well, sino kaya yun at nang masipa ko na siya ng pagkalakas lakas.

Sa kabilang dako naman tayo....
The best talaga ang araw ko nakita ko ang mga crushes ko.
Una ay si Sir Joey na teacher sa Math nung HS ako. Bata pa yun actually, mga 20 something pa lang. Once a year ko lang talaga siya nakikita kaya sobrang kilig talaga ako na kilala niya pa rin ako. Hehehehe

Tapos siyempre si Dante. Yung crush ko na pulis officer dito sa Dumaguete na classmate ko dati sa isang minor subject ko. Hahaha.

Natural todo kilig na naman ako.

Ano ba naman ang magagawa ng ahas na tumuklaw sa akin kung nandiyan naman ang mga buhay ko? Hahaha. Makita ko lang ang mga crush ko bahala na kahit ilang libong ahas pa ang tumuklaw sa akin.

kaya ayun...
glimpse lang ng buhay ko kahapon...
ano na naman kaya ang mangyayari ngayon?
abangan!

0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates