Monday, December 8, 2008

Ang tatsulok kong mundo

Ang buhay ko ay umiikot lamang sa mga libro ko, sa blogs, sa publication, sa boarding house at sa cheeseburger.

May buhay pa ba ako maliban dito? Wala.
Gigising ako, babangon, maliligo, magbibihis. Kung may class, pupunta sa school. Tutunganga sa classroom. Hihintayin matapos ang class, pupunta sa office, tutunganga ulit, magpost sa blogs, makikinig ng music. Magugutom. Kakain. Uuwi. Magbabasa. Matutulog. Paminsan-minsan kakain sa Food Net tapos uuwi.

Maliban sa mga tao sa publication, mga classmates ko at room mates wala na akong ibang kaibigan. Hindi meron pala, pero iilan lang din naman sila. Mabibilang lang sa mga daliri.

tatsulok lang ang mundo ko. Bahay, Paaralan, Burger D. Dun lang yata umiikot ang buhay ko dito sa Dumaguete.

Boring ba? Siguro. Para sa mga nasanay sa maingay na buhay, lakwatsa at bisyo.
Ang tanging bisyo ko lang ay magbasa, kumain at mag internet.
Ang tanging kaligayahan ko lang ay magbasa, kumain at mag internet.
Ang buhay ko ay umiikot lang sa pagbabasa, pagkain at internet.

Gusto ko din maglakwatsa pero hindi sa mga disco, malls at kung saan saang ka-cheapan na lugar. Gusto ko sa malayo. Hiking, mountain climbing, o kahit magpunta lang sa malalayong lugar. Yun ang gusto kong lakwatsa. Yun ang trip ko.

Kung si rapunzel ay nakatira sa Tower, ako naman ay nakatira sa hawla. Tama. Isa lamang akong prinsesa na nakatira sa tatsulok at ginintuang hawla, nangangarap na maging isang tunay na palaka. bahala na kung walang prinsepe, hindi naman kailangan ng palaka ang prinsepe.

Hindi ko rin kailangang kumwala. Masaya ako sa hawla ko. Masaya ako sa tatsulok kong mundo. Isang mundo na ako lang ang nakakaintindi. Isang mundo na ako lang ang nakakaalam.

0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates