Monday, December 8, 2008

Lecheng D.O.M

Heto na naman at hindi ko na naman mapigilan ang aking sarili. Kailangan ba talaga magmura pagnagagalit? Siyempre hindi. Pero mahirap naman i-express ang sarili nang hindi nagmumura. Kaya pagbigyan niyo na ako.

Leche naman kasi tlaga itong walang kwenta kong instructor na hindi naman dapat tawaging instructor dahil wala naman siyang ginawa para mag instruct. Ilang buwan na ba ng magsimula ang second semester? October pa nagsimula ang klase at hanggang ngayon kahit anino ng lecheng yun ay hindi ko nakita.

Sana man lang ay sabihin niya kung wala siyang planong makipagkita sa amin para naman hindi kami parang mga baliw na nakatunganga at naghihintay sa isang taong wala man lang planong magpakita. Sayang ang mga panahong pinag-aksayahan ko sa paghihintay sa kanya. Kung natulog ako o nagbasa, naaliw pa sana ako.

Matapos kaming maghintay ng malapit sa isang oras ay umalis na lang kami ng mga adik kong classmates at nagpunta sa walang kamatayang Burger D at kumain. Ano pa nga ba?...

At siyempre dahil mabait akong bata ay umuwi na rin ako at nagbasa. nagbasa ng isang libro na mas lalo lang yatang nagpagulo sa isip ko dahil hindi ko na maintindihan kung sino ba yung anak ni sino, asawa ni ano, at magulang ni kuwan...bakit ba kasi ang gulo ng plot mo V.C Andrews? Sana naman hindi masyadong pinapadugo yung ilong ko noh.

Anyway, dahil sa hindi ko na mapigilan ang pagdanak ng dugo at kailangan ng ilabas sa mundo ang galit ko sa walang kwentang taong dapat daw ay tawaging "sir", nagdesisyon na lamang ako na magblog. Mas benefitial yata ito kaysa mambugbog ng matandang laging naka knee socks at sports attire. Hindi na rin naman siya tatagal sa mundo kaya bahala siya sa buhay niya.

Ang gusto ko lang naman talaga ay ilabas ang tunay na damdamin ko sa usaping ito.Ang matandang rocker na ito ay isang napakaling pampagulo sa aking napakagandang buhay. Nakakawalang gana na ang mag-aral lalo pa at alam kong ganitong klase ng tao ang napili nilang magturo sa akin. Marami pa akong dapat na matutunan at dahil sa D.O.M na ito ay wala akong natututunan. Nasaan ang hustisya?

At bago pa mapuno ng pagmumura ang post na ito ay titigil na ako. Nailabas ko na ang kalahati ng nararamdaman ko. Ang naiwang kalahati ay itatago ko na lamang at baka kung makasuhan pa ako ng kung ano.

Isa akong prinsesa kaya dapat ay pigilin ang sarili. At dahil dito ay ipinapangako ko na hindi ko bibitayin at ilalatigo ang abominable old man na ito. Pipigilin ko ang aking sarili dahil ako ay matalinong prinsesa at alam ko na kahit saang sulok ng mundo illegal ang pumatay ng tao.

Kaya hanggang dito na lang.
Patayin ang mga salot!!!!

0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates