At dahil hindi ko alam kung ano talaga ang topic ko ngayong araw [ang alam ko lang gusto kong magpost], isusulat ko na lang ang mga bagay bagay na pumapasok sa aking ulo...
PAGING PAPERDOLL
Una na dito ay ang tanong na pabalik-balik sa aking pag-iisip mga ilang araw na rin...Nasaan si Paperdoll? Ilang araw na ring walang update ang blog niya at nakakamiss na...Ang daya naman ni PD, nagbakasyon na e, ang aga pa. Nakakamiss lang kasi talaga ang mga nakakaloka niyang post na nagbibigay ng saya sa puso ng mga tagasunod niya...char!...
RED RIDING HOOD
May problema ako. Wala akong red dress. Wala din akong planong bumili. Red kasi ang motif ng christmas party namin at kailangan ay red dress ang isuot ng mga babae...hindi pa naman ako mahilig sa red at mas lalong hindi mahilig sa dress...bakit ba kasi kailangan nilang magsama? Bakit ba kasi red ang kulay ng Christmas? Hindi ba pwedeng armi fatigue na lang? Yun marami ako. O di kaya black, mas madaling hanapin tapos mas magagamit ko pa...=(
CHRISTMAS HOUSE
Gusto kong magpunta sa Christmas house. Isa sa mga must-see sa Dumaguete tuwing pasko. maganda, masaya at nakakalula. Parang wonderland sa ganda...ang kaya nga namang bilhin ng pera. Grabe, yung mga displays richness talaga. Last year merong Christmas tree na sobrang taas na halos umabot hanggang sa ceiling, yung decorations puro tiaras and scepters...tapos yung mga stuff toys na iba-iba ang laki at itsura...mga paintings, mga Santa Claus decorations na iba-iba din ang sizes...
hay...parang panaginip...
CHRISTMAS PARTY
Parang halos lahat ng problema ko ngayon ay may kinalaman sa Christmas. Bakit kaya? Ang gastos naman kasi. Christmas party namin sa saturday and I have to buy a gift...ano naman kaya ang bibilhin ko? Wala na akong pera at totoo yun ha...Ang dami ko pang dapat bilhin..sana dumating ang sweldo bukas para may maibili ako...'yoko mag-ask sa parents ko kasi dagdag gastos na naman yun...hayy buhay...
...ang dami. Ang dami kong iniisip pero hindi ko maisulat lahat. Halo-halo kasi sa ulo ko eh...ang hirap mag-express...
gutom na ako...siguro lalabas na ako at kakain...
ewan...magandang ideya yata yun...
sige...
paalam...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
check ur page rank.
Check Page Rank of your Web site pages instantly: |
This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service |
2 blabblers:
hehehe... ako rin! wala nkung peraaaaaaAAAAAA!
as in nangutang na naman ako!...
Post a Comment