Monday, December 22, 2008

Sulat para kay Santa...

Dear Santa,

Una sa lahat, Sana ngayong taon tamang regalo na ang ipadala mo sa akin lagi ka na lang kasing mali eh. Hindi ko naman sinasabing palpak ka, ang sa akin lang, tumatanda ka na...
Sumulat ako sayo dahil marami akong gustong hingin. Huwag kang mag-alala, diniretso ko na sa Diyos yung mga pinaka-importante para hindi ka na mahirapan. Isa pa, mahirap na baka magkamali ka na naman.
Gusto ko lang sanang sabihin sayo na dahil laging mali ang ibinibigay mo sa akin noong mga nakaraang taon, nais ko sanang humingi ng mas maraming regalo ngayong taon. Pakunwselo naman kahit papano. Chance din para makabawi ka sa mga pinaggagawa mo sa mga hiningi ko nung nakaraang taon.
Nag-isip ako ng mga regalo. Yung hindi masyadong mahirap ibigay, yung hindi masyadong mahal. Pero naisip ko, kaya mo namang ibigay yun di ba? So bakit kita titipirin? Marami ka namang pera.
Kaya heto na ang listahan ko ngayong taon. Sana naman maitama mo na.
1. PSP- gusto ko yung pinaka maganda, yung pinaka-latest.

2.ipod- o kahit mp4 na lang basta may music.

3. laptop- para hindi ko na kailangan mag overnight o magbayad sa internet cafe pag may gagawin akong project o gusto kong magblog.

4. Digital camera- gusto ko sana yung SLR, 'tas not less than 10.3 mega pixels yung resolution, 'tas Sony or Nikon or Cannon. Gusto ko yung pang photography talaga, yung fast shutter and maganda talaga ang quality ng pics.

5. Bagong cellphone- yung pinaka-latest na model. Uhm...pwede rin yung Samsung Omnia para mas maganda. Sosyal kasi yun at may MS Office Applications, cybershot at internet.

Ito na lang muna, baka kasi mahirapan ka at hindi mo maihabol sa Christmas. Sana naman maipadala mo kaagad, kkapagod kasi maghintay eh.

Salamat po.



Sumasainyo,
Aian, Frog Princess.

P.S. Kung hindi mo talaga maihabol, padalhan mo na lang ako ng P1 Million at ako na lang ang bibili. Okay lang naman sa akin kung Cash, pero tatanggapin ko pa rin naman kahit cheque. Good luck.Salamat po....



P.S ULIT: Pak
isabi sa mga elves mo na gandahan at ayusin yung paggawa ng mga gifts ko ha? Salamt ulit.


P.S! Last na talaga 'to promise!!!!: Ayoko ng made in Taiwan or China ha...gusto ko yung European made talaga na phone or gadgets para mas durable...thanks brod!



0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates