Saturday, January 10, 2009

Boodlefight

Hindi lahat familiar sa tinatawag na boodlefight. Common itong practice sa mga sundalo pero minsan lang talaga sa mga sibilyan. Isa itong tradisyon na nagpapakita hindi lamang ng tinatwag na camaraderie. Ipinapakita sa isang boodlefight ang pagtanggap mo sa isang tao ng buong-buo at nagtuturo din ito ng ilang mahahalagang aral.

Sa isang boodlefight natututunan mong magshare at maging considerate sa mga tao sa paligid mo, sa mga kasama mo. Maganda rin pang bonding ang boodlefight, mas lalo nitong napapalakas ang pagsasama ng grupo.




Sa aming publication, naging parte na ng tradisyon ang pagsagawa ng boodlefight. Enjoying, although minsan parang nakakasuka din. Hindi nga lang kagaya talaga sa tunay na boodlefight kung saan kaunti lang talaga ang pagkain na pinagsasaluhan pero nandun pa rin naman yung essence nun.

Hindi lang ako sigurado kung naintindihan talaga ng iba yung ibig sabihin ng ginagawa nila pero sana naman oo dahil sayang naman kung hindi.

Marahil ay hindi masyadong comfortable ang ganitong pagkain pero para sa akin, hindi na mahalaga kung paano kakain basta may pagkain kasama ko sila siguradong masaya. Hindi ko ipagpapalit ang mga memories na ito sa kahit na ano pa.

Ito ang isa sa mga bagay na hindi ko makakalimutan sa college at sa publication.

0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates