Habang ako ay naglilibot (tama ba?) sa blogospehere ay naisipan kong maghanap ng bloggers na pinoy. Wala lang, gusto ko lang naman malaman kung ano ang mga topics ng aking mga kababayan. At dahil minsan ko din pinangarap ang maging sundalo, biglang pumasok sa isip ko na maghanap ng sundalong blogger. Bakit? Hindi ko alam...
Interesting naman kasing malaman kung ano ang iniisip nila hindi ba? Nagbo-blog din kaya sila? Minsan may nakita akong blog ng isang cadet ng PMA and nakakatuwa yung mga post. Hindi ko alam kung bakit niya itinigil ang pagbo-blog basta ang alam ko, kung kelan pa ako na-adik sa blog niya ay saka naman niya kinuha sa wordpress. Sarap batukan. Magandang entertainment din kasi yung mga isinusulat niya. Kyut yung mga post. ewn..
Anyway, hanap ako ng hanap at iba ang aking natagpuan. Yung blog ng CPP-NPA. HAhaha, nagbo-blog din pala sila? Akalain mo yun? Basa-basa ako ng kaunti tapos hanap ulit. Yung sunod kong nakita, blog ng isang prostitute na ang title ay "Friction". Medyo Rated PG yung mga post kasi nire-recount niya yung tungkol sa trabaho niya siyempre. Sabay pa describe ng mga costumers niya and everything. Pero nakakatuwang basahin.
Ibang klase nga naman ang world wide web. Kung sinu-sino at kung anu-ano ang mahahanap mo. Type ka lang ng keyword, kung saan saan ka na makakarating. Pero siyempre hindi ko pa rin natagpuan yung hinahanap ko. Wala naman akong planong gawin itong misyon sa buhay, gusto ko lang malaman kung paano mag-isip ang mga idol ko. Hahahaha. Kakainis talaga 'tong utak ko minsan kung anu-ano ang pinapapasok.
at sa aking paglilibot, may natagpuan ako...pero ang tagal na din ng post...pero okay din sa ideas tong mga to eh...at least di ba?
Siyempre maghahanap pa rin ako. Wala lang. Gusto ko lang iprove na kahit papano may natitira pang "fun" sa buhay nila at kahit papano may creativity pa rin sila. O di ba? Todo endorse na naman ako.
At dito na nagtatapos ang aking araw. Whew. Bukas ulit.
bow!
Frog Princess, Signing off.
(char, may ganun nang drama!)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
check ur page rank.
Check Page Rank of your Web site pages instantly: |
This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service |
0 blabblers:
Post a Comment