Sunday, January 4, 2009

Christmas o Lenten?

Kakaiba talaga ang bahay namin. Sa loob ng ilang taon kong pagtira sa bahay na yun ay ngayon ko lang narealize na kakaiba talaga siya.

Isipin mo na lang, habang ang paligid ay ramdam na ramdam na ang kapaskuhan, para namang mahal na araw sa bahay namin. Noong una akong dumating ay naisip ko na baka dahil sa bagal ng bus na nasakyan ko ay hindi ko na naabutan ang pasko at nag-Lenten na pala ng hindi ko man lang namalayan. Paano kasi walang kabuhay-buhay ang bahay namin. Kakaiba sa mga nakasanayan kong pasko.

Dahil kaya ito sa krisis? O wala lang talagang ganang magdekorasyon ang mga tao sa bahay namin?

Ang mga bahay sa paligid namin ay punong-puno ng mga palamuti at kung anu-anong abubot ng pasko. May mga lanterns na iba-iba ang laki at kulay, Christmas lights, at kung anu-ano pang echus na pwedeng ipalamuti. Masasabing parang na stranded sa kakaibang panahon ang bahay namin. Para siyang galing sa ibang dimension dahil masyado itong naging far-out ikumparas a mga bahay na nasa paligid nito.

Simula noong 23 ay naging routine na ang tulog, kain, nood ng tv, at pagbabasa. Maliban doon ay wala na akong ginagawa. Noong pasko ay hindi rin kami nag handa, nagdinner lang kami at natulog habang ang mga tao sa paligid namin ay masayang nagdidiwang ng Noche buena. Naghanda kami noong New Year pero natulog din ng maaga. Kinabukasan na namin kinain ang mga handa namin dahil parang wala sa sarili ang mga tao sa bahay.

Habang lumilipas ang taon ay unti-unti kong nararamdaman na nawawala na ang diwa ng Pasko sa buhay ko. Wala na yung klase ng selebrasyon na nakasanayan ko. Wala na yung mga tunay na ngiti at mainit na pagbati.

Paano kaya next year?

0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates