Thursday, January 29, 2009

Mamumundok ang Froglet

Pansamantala po akong mamamaalam sa inyong lahat. Mamumundok po muna ang Prinsesang Palaka upang bisitahin ang aking mga constituents sa bundok. Hehehe...
Sabi ng mga sundalong naka-assign doon ay hindi naman daw delikado ang lugar but sabi ng naman ng mga taga doon ay delikado daw. Hindi ko alam...naguguluhan na rin ako.

pero kung sakali man na hindi ako makabalik...(pero babalik talaga ako promise!)...well, handa na rin naman ang aking last will and testament and natapos ko na rin ang programme para sa necrological service ko...

hindi naman ako pessimistic...prepared lang ako.

Ang tanging alam ko lang ay mahaba-habang lakaran ito at malamang ay reenactment ng death march. Sabi ni Colonel ay 2 hours lang naman daw ang lalakarin pero basta sundalo ang magsabi ng ganun ay wala akong tiwala. Ang 2 hours nila ay siguradong 5 hours namin. Mabilis silang maglakad at sanay sa ganun habang kami ay hindi. Kaya malamang ay aabutin kami ng semana santa bago matapos sa gagawin namin.

Ano nga ba ang gagawin ko doon? Okay, hindi po ako sasali sa NPA. Wag po kayong mag-alala. Hindi pa po ako nababaliw. Gagawa lang po kami ng documentary sa lugar na pupuntahan namin. Dati pong area ng NPA yun kaya medyo delikado daw.

At dahil matigas ang ulo ko ay mas may tiwala po ako sa mga sundalo ng 11th IB. Hindi po ako naniniwala na critical area ang pupuntahan namin dahil hindi naman siguro baliw si Col. Gacal para hayaan kami na umakyat dun kung delikado nga. Besides if may nangyari sa amin dagdag problema nila yun at mahaba-habang explanation ang gagawin nila...so naniniwala ako na hindi talaga ganun ka delikado doon..

besides, kung nakasurvive nga ako sa Mindanao, dito pa kaya?

Kaya mga friends, mga fans at mga echus na nagbabasa ng blog na ito...paalam na muna...magbabalik ako (hopefully) sa Sunday at ibabalita ko sa inyo ang lahat lahat...kung hindi man ako makabalik ay sigurado namang mababasa niyo yun sa balita...hehehe

either way...you will surely be informed!

Goodbye bloggers!!!

4 blabblers:

Anonymous said...

haha.. ingat... hi sa magigiting na miyembro ng Hukbong Katihan...

just.aian said...
This comment has been removed by the author.
cyndirellaz said...

dami namang magbabakasyon ngayon no, including you! naku buti ka pa! enjoy!

just.aian said...

buti sana kung magbabakasyon ako dun Cyndi...
bundok po ang pupuntahan ko...walang sasakyan na umaakyat dun, walang signal, at walang kasiguruhan ang safety...
sabi ko nga, dating area yun ng NPA...isa sa pinaka active na areas dito sa Negros when it comes to insurgency ang pupuntahan namin...
I'm sure mag-eenjoy ako kasi mas gusto ko talaga ang nasa field...

anyway, thanks for droppin' by...

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates