Dahil ilang oras na rin lang naman ang natitira sa aking so-called 'teenaged years' ay lulubos-lubusin ko na lang ito.
Alam kong sinabi ko na na uuwi na ako pero naisip ko kasi na sayang ang mga natitirang oras ng aking pagiging teenager kaya hindi na lang ako matutulog. Mangungulit na lang ako. Ang arte ko talaga...
DIto ako sa office buong magdamag at haharap ako sa PC na ito hanggang matapos ang pinakahuling araw ko. Lecheng froglet talaga oh...ang drama!
Anyway, free writing muna ako. Pagbigyan niyo na...birthday ko na eh...
Nagugulat talaga ako pagnakikita ko na may mga bagong visitors sa blog ko. Wow!( sabi ko sa aking bootyfool selp), may nagbabasa din pala sa mga isinusulat ko? At may nagco-comment pa ha? Kahit madalas puro kalokohan lang naman ang nakapost at kung mga anu-anong anek-anek ng buhay ko. It peels good nga naman pag may nakaka-appreciate sa ginagawa mo.
Siyempre, paikut-ikot pa rin ako sa cyberworld. Kanina pa ako nagcyber tour mode kaya ang dami ko nang napuntahan. Nakarating na ako sa pinakasulok-sulukan (hirap naman magspell sa Filipino) ng mundo ng hindi umaalis sa kinauupuan ko. Amazing talaga ang internet!
Searching mode pa rin ako para sa mga blogs na sana naman ay mahanap ko. Wala lang, natutuwa lang akong mangulit sa mga blog na dinadaanan ko.
Siyempre dahil walang magawa ang maarteng palaka, nagbago na naman ang itsura ng blog ko. Siyempre nawala na naman yung ibang linkmates ko.
Napakapakialamera at feelerette ko talaga. Pilit kong pinapakialaman ang codes ng CSS ng layout na napili ko dahil feeling ko ay magaling talaga ako sa ganito. Kaya ayan, bagong-bago pero sira na kaagad. Hindi ko na maintindihan kung paano nga ba ibabalik sa dati yan. Bahala na basta ganyan yan...
ayoko na nga ayusin dahil alam ko na next week ay magbabago na naman ang isip ko at kasabay nun siyempre ang pagbabagong anyo na naman ng blog ko. Wala namang problema sa akin ang pagpapalit ng layout ng blog ko, yung pagbalik lang ng links.
Gusto ko sana isuggest sa blogger/Google na gawing mas madali ang paglinks ng blog. Kaka-inis kasi na kailangan isa-isahin yung links. Sana gaya na lang din pag nag add ka ng pics na pwedeng sabay sabay para hindi masyadong nakaka-ubos ng pasensya. Pero dahil tinatamad din naman ako, wag na lang.
Maglilibot-libot muna ulit ako. Post ulit ako mamaya, baka ma-inspire...
=)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
check ur page rank.
Check Page Rank of your Web site pages instantly: |
This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service |
2 blabblers:
Hi! HAPPY B-DAY! January ka pala, pabayaan mo dalawang araw lang after mo ako naman. B-day ko 13, swerte noh? hahaha tama ka, hirap mag-add ng links pero syempre hindi kita nakalimutan. Kababago ko lang din template ko eh. nagmamarunong katulad mo. hahahahahaha ikot, ikot lang ako ngayon sa blogroll ko.! HAPPY B-dAY ulit!!!
http://perspektib.blogspot.com
ka-beerday mo ang pinsan ko....
cute talaga nating mga Capricorn...hehehe...
anyway, salamat po!
Post a Comment