Sunday, January 4, 2009

Padasal daw...


This tag was passed to me by Marvin aka Alipin ng Kahirapan last December and I never had the time to post it...So, here it is.


Panginoon,

Maraming maraming salamat po sa nagdaang taon. Salamat sa mga biyayang ipinagkaloob ninyo na nagbigay liwanag sa aming mga buhay. Salamat po sa mga pagsubok na aming pinagdaanan sa 2008, nawa itoy magturo ng leksyon sa amin at maging gabay upang mapabuti ang aming mga buhay.

Panginoon, haplusin po ninyo ang puso ng aming mga lider upang sila ay matutung umunawa sa saloobin ng aming bayan. Sana po ay gisingin ninyo ang mga taong nananaginip at nagnanais na maging lider ng aming bansa. Ipakita niyo po sana sa kanila ang tunay na halaga ng kanilang posisyon sa mga simpleng mamamayan na gaya namin.

Panginoon, kunin na po sana ninyo ang mga salot na patuloy na sumisira sa bayan. Kunin niyo na lang po sila upang mabawasan na ang paghihirap naming mga mamamayan.
Diyos ko, kunin niyo na lang din po yung mga lider na walang habag na nangungurakot at nagpapahirap sa aming bansa.

Panginoon, gabayan niyo po sana ang mga magiging lider ng bansang ito. Bigyan niyo po sila ng sapat na talino upang mamuno ng ayon sa inyong kagustuhan. Diyos ko, ipaunawa po sana ninyo sa kanila na nasa posisyon sila para maglingkod sa bayan at hindi para magpayaman.

Salamat po, Panginoon.

0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates