Thursday, January 29, 2009

Waz the froblem ba?

E, ano ba talaga ang problema ng CPP-NPA? (O ng MILF, ASG at kung anu-ano pang rebeldeng grupo sa bansa?)

Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi rin naman ako pwedeng mag-explain in their behalf dahil in the first place, hindi ko rin naman feel ang ginagawa nila.

Nagtataka lang naman kasi ako kung bakit kailangan nilang magpunta sa bundok, magrebelde at makipag-away sa gobyerno. Nagtataka lang ako kung bakit sa halip na gamitin nila ang mga talento at talino nila para sa ikabubuti ng bayan ay nandoon sila sa bundok at nagpapadagdag sa gastusin ng bansa.

Bakit ba kailangang mag-away? Bakit kailangang mag-alsa? Dapat ba talagang magrebelde para mapabuti ang buhay sa bansang ito?

Ako, sa tingin ko, hindi.
Minsan tinanong ako ng kaibigan ko kung papayag ba akong maging miyembro ng NPA pagmay nagrecruit sa akin. Sabi ko, hindi.

Bakit naman ako sasali sa kanila? Yayaman ba ang Pilipinas pag nagrebelde ako? Mapapaayos ba ang buhay ng mga Pilipino pag nakipag away ako sa gobyerno? Hindi din naman di ba?

Ilang taon na ba ang NPA sa bansa? May nagawa ba silang kabutihan para sa Pilipinas? May ideolohiya pa nga ba silang naiiwan? O, nawala na rin ang lahat ng (so-called) ipinaglalaban nila kasabay ng paglipas ng panahon?

Madalas akong mapagsabihang aktibista. Mapagkamalang rebelde. (As if naman kung aktibista ka rebelde ka na kaagad). Sa tuwing napag-uusapan ang mga rebelde sa bansa, ako yung laging ini-expect nila na number one na sasali sa mga grupong yun. Lagi nilang sinasabi, "si yanz oh, NPA!"

Haller! Mukha ba akong amazona? Mukha ba akong asawa ni Tarzan? Mukha ba akong si Xena? Hindi naman di ba?! Besides, sa tingin ba talaga nila makakaya kong magbuhat ng M16? Eh, kahit pitcher lang ng tubig di ko makayang buhatin eh.

(Siguro nga ay ideallistic ako at maprinsipyo pero hindi naman ako rebelde at hindi rin naman ako matatawag na aktibista. Hindi ako matapang at matalino gaya ng mga aktibista kaya hindi ko tatawagin ang sarili kong aktibista.)

But of course that is out of the topic.

Ang sa akin lang naman (at bahala na kahit ipa-assasinate pa ako ngayon) dagdag problema lang ang pagrerebelde. Ang pagsali sa NPA ay walang magagawang mabuti sa bansa. Dagdag problema lang yun, dagdag pasanin.

Bakit? Kasi the more na dumadami ang mga rebelde, the more na lumalaki ang budget ng AFP. Siyempre diba, paano nila mapoproktektahan ang bansa kung mas malaki pa ang budget ng NPA sa kanila? Isa pa, paano papasok ang mga investors kung maraming rebelde sa bansa? Paano magkakaroon ng trabaho ang mga Pilipino kung walang investors?

At meron pa akong isang hindi maintindihan. Di ba sabi nila People's Army sila? Bakit sila nanununog ng mga buses at kung anu-ano pang properties? Dahil lang hindi nakabayad ng revolutionary tax ang may ari?

Naalala ko pa noon nung sunugin nila ang isang bus ng Ceres Liner (biggest bus company sa Negros) na may biyaheng Bacolod-Candoni (isang municipality sa Negros Occidental). Marami sa mga classmates ko ang hindi makauwi sa kanila dahil itinigil ang biyahe papuntang Candoni. E, sino ngayon ang naperwisyo? Ang gobyerno ba? Siguro, pero indirectly. Ang mas naperwisyo ay ang mga tao na kailangan magbiyahe from Candoni to Bacolod or Kabankalan. Ngayon, ito ba ang sundalo ng mga tao?

Hindi rin ako totally naniniwala na mga sundalo ang nambubugbog at nang-aabuso sa iba't-ibang parte ng Pilipinas. Bakit? Dahil naalala ko nung nandun ako sa Mindanao during my OJT, yung mga NPA magsusuot sila ng uniform ng sundalo tapos magpapanggap na sundalo. So, paano mo ngayon masisiguro na sundalo nga yung nang-aabuso at hindi NPA? Siyempre kung naka-uniform sila ng sundalo natural iisipin ng nakakakita sa kanila na sundalo sila.

So, People's Army nga ba sila? Bakit nila ginagawa ito? Bakit sila nananakot? Bakit sila nang-aabuso? Bakit sila pumapatay?

Ewan. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan ang takbo ng utak nila. Hindi ko masasabi kung bakit nga ba. Hindi ko masasabi kung ano ba talaga ang problema nila.
Sabi nila, corruption.
Sabi nila, they want change.
Sabi nila, ginagawa nila ang lahat ng ito para sa bansang Pilipinas.

Siguro. Sinong makakapagsabi.
Pero sana matapos na ito. Sana mawala na ang gulo.

(see related post: BOTHERING THOUGHTS)

4 blabblers:

=supergulaman= said...

aheks..i love this post... ang totoo nyan madaming nag-akala na isa akong aktibista...kung sa bagay galing ako sa unibersidad na lungga ng mga aktibista, sa PUP...pero hindi ko magawang sumama sa kanila sa kabila ng ang kanilang paniniwala ay katulad ng sa akin...

...ang mga NPA minsan hindi natin maunwaan ang trip..pero hindi natin sila masisisi...meron silang mga pananaw na hindi natin magagawang baguhin...pra itong character ng isang tao na pinipilit mong baguhin...halimbawa, ang isang tunay na lalaki ay pipilitin mong maging bading kasi iyon ang gusto mo..hindi iyon mangyayari kung wla ito sa pagkatao nya...hindi natin kontrolado ang mundo..hindi pwedeng pag-isahin ang gusto...

pero kung gusto natin ng ganap na pagbabago, huwag natin itong ipilit sa ibang tao bagkus simulan natin ito sa ating sarili...kung anu ang gusto mo, un ang gawin mo... :)...haba na ito...eheks.. :D

just.aian said...

I agree with that Super G.
Ang pagbabago nagsisimula sa ating sarili.
Siguro nga may ipinaglalaban sila.
Oo, may problema ang Pilipinas.
Oo, talamak ang corruption sa bansa.
Oo, kailangan ng pagbabago.

Pero naniniwala ako na ang pagbabago ay hindi makukuha sa dahas. Hindi rebolusyon ang sagot sa problema ng bansa. Hindi pag-aalsa ang tutulong sa Pilipinas upang makabangon.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang solusyon. Pero ang alam ko, hindi kayang solusyunan ng rebolusyon ang problema ng bansa.

Nirerespeto ko ang paniniwala nila. Ang hindi ko lang gusto ay ang paggamit nila ng dahas para i-enforce ito.

salamat sa pagdaan Super G!

Anonymous said...

Yes ur indeed right I'm from Bacolod also but i inherited a Lot in Candoni and i just cant go there and bring my wife with me due to those NPA lurking around,wala talaga sila silbi! they are just fighting for their own BUSINESS INTEREST they run it by intimidation/coercion,Gangster style wala rin naman programa na mabuti yan mga yan self serving lang din at mga nag papa uto ke JOMA SISon. REBOLUSYON NG MGA TANGA

just.aian said...

@anonymous
una sa lahat, salamat sa pagdaan at pagcomment.

I think the situation in Candoni is not really that serious though you can't really be sure...(I mean, mahirap i-predict ang pag-iisip ng iba).

Anyway, I would honestly admit that though I've already met a lot of people, both pro and anti NPA, and is trying so hard to understand whatever it is that they supposed to be fighting for I still can't bring myself to comprehend kung ano ba talaga ang purpose nila.

I agree na wala talaga silang silbi. For how many years since na nabuo sila hanggang ngayon wala pa rin silang mabuting nagawa sa bansa.

I've met and talked to a lot of people who are directly affected by the insurgency problem and I think I could say na mahina na talaga ang NPA. Takot sa kanila ang tao and if given the choice, I am sure na hindi rin sila susuportahan ng mga ito.

Let's just pray na matauhan na sila soon. Were all Filipinos,we should be helping each other instead of killing each other.=)

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates