Saturday, February 7, 2009

Anak ng Lechugas

Inaantok na ako at gusto ko nang umuwi. Sa kamalas-malasan ba naman ay ang lakas ng ulan.
Eh nasaan ba kasi ako ngayon?
Siyempre, nasa opisina naming rectangle nakaharap sa computer at pinipilit ang sarili na mag-encode.
I am suposed to edit pero dahil maagang nagholiday ang mga tamad naming reporters ay wala akong ma-edit.
Well actually merong kaunti pero wala niisa man dito ang finished talaga...

Maliwanag na comatose na naman ako buong araw nito. Trabaho ng tamad. Magpapalaba na lang ako sa laundry shop dahil wala na akong damit. Halos araw araw kasi ay umuulan kaya hindi rin ako makapaglaba (not that gusto kong maglaba at kahit mainit di naman talaga ako naglalaba). Buti na lang at weekend. Pwede akong matulog buong araw. Saya naman.

Nakakapikon talaga ang katamaran ng mga tao dito sa office. Napapagod na akong magremind at magsermon. Mga anak ng lechugas nakatunganga lang buong araw dito sa office di man lang nag-eencode ng mga reports nila.

====
Nagugutom na ako! Nag-iimagine na ako ng pagkain dito. Hindi nga lang ako makapagdecide kung kakain ba ako o matutulog diretso. 48 years...este hours...na kasi akong walang tulog at halos pumikit na ang mata ko.

=====
di ko na kaya...
goodnight/morning people!

2 blabblers:

=supergulaman= said...

ok po mam..mag-eencode na po...ahahaha...

gandang aga... :)

cyndirellaz said...

grave ha! as in 48 hrs ka ng walang tulog? di ko ata kaya yan! ayos! buti weekend na! itulog mo muna yan ^^

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates