Gaya ng maraming bata sa mundo, marami din akong mga pangarap na hanggang ngayon ay pinapangarap ko pa rin.
Maraming mga bagay na gusto kong gawin pero hindi ko naman kaya o hindi naman pwede. Maraming bagay na nais kong mangyari ngunit dahil ako ay isang hamak na palaka lamang, hindi ko rin naman kayang icontrol.
Noong bata ako, napakaraming bagay ang pinangarap ko. Hanggang ngayon, pinapangarap ko pa rin yun.
Naalala ko noong bata pa ako na madalas akong maiinggit sa mga kalaro at kaklase ko na maraming kapatid. Dalawa lang kasi kaming magkakapatid (youngest ako) at tanging Kuya ko lang (at minsan mga pinsan ko din) ang kalaro ko.
Madalas kong ini-imagine kung ano kaya ang feeling kung halimbawang nagkaroon ako ng maraming kapatid. Well, siyempre financially siguro mahirap yun di ba? Lalo na sa hirap ng buhay ngayon. Pero siguro iba yung childhood ko kung nagkaroon ako ng maraming kapatid.
Siguro maraming mag-aalaga sa akin kung marami akong kuya. Siyempre, marami din ang aaway sa akin. Pero who cares di ba? Sigurado namang riot to the max yung maraming kapatid. As in riot in a positive sense. Masaya 'pag marami-- maraming kalaro, maraming ka-share, maraming katawanan, maraming kakwentuhan, maraming karamay. Siyempre marami ding kaaway, kaagaw, at kakulitan.
Pinangarap ko din magkaroon ng
Sarap siguro ng feeling na magshare ng secret sa kapatid mo noh? I mean, there is only so much a brother could understand. Hindi naman lahat naiintindihan ng kapatid na lalaki di ba? Napakaraming bagay na hindi siya makarelate. Like, bakit nakaka-irita ang monthly period, bakit kinikilig ka pag nakikita mo ang crush mo, bakit it matters na cute ang design ng nabili mong damit and so on.
Minsan ini-imagine ko na may Ate ako na nag-aayos ng buhok ko, nag-aadvice sa akin kung ano ang pinaka-magandang isuot, o kung bagay ba yung suot ko sa akin.

Sa totoo lang, pinapangarap ko pa rin ang mga bagay na ito. Tanggap ko rin naman na malabo na na magkaroon ako ng biological brothers and sisters at kuntento din naman ako sa kaisa-isa kong kapatid na wala ng ginawa kundi awayin ako at kulitin. Pero hindi din naman nawawala sa puso ko ang pangarap na magkaroon ng maraming kapatid.
Kaya masaya ako na makilala ang mga tao sa paligid ko. Masaya ako na magkaroon ng little/big brothers na kahit hindi man ako kaanu-ano ay naging parti din naman ng buhay ko. Masaya ako na magkaroon ng Kuya Junrell, Kuya Harvey, Kuya Jick at si Lolo DX na elder brother din ang turing ko. Siyempre masaya din ako na magkaroon ng Ate Minette, Ate Faith, Ate Grace, Ate Aya, Ate Tonet, Ate Aubrey, Ate Merl, Ate Janice, Ate Nelyn, Ate Steph at napakarami pang mga Ate na kahit hindi naman ako kaanu-ano ay naging Ate ko pa rin.
The fact alone na may natatawag akong Ate at Kuya ay masaya na ako. Feeling ko ay nagkaroon na rin ako ng kapatid na matagal kong pinangarap.
Siyempre kung may Ate at Kuya, meron din akong mga little brothers and sisters. Si Justine, Si Paul, Gian, Ren, mga little brothers na mahal na mahal ko. Si Ritch, Si Carla Mae, Si Marge, Marga, Dianne, Rina, at lahat ng mga babaeng members ng publication. Hindi man nila alam, kapatid pa rin ang turing ko sa kanila. Sisters na pwede ring brothers.
Siyempre andun din yung mga Momies ko na kahit Mommy ang tawag ko ay kapatid pa rin ang turing ko. Kaya masaya ako sa publication at sa TnC dahil ito ang nagprovide sa akin ng mga kapatid na hindi naging akin.
Hindi man matutupad ng lubusan ang pangarap ko na magkaroon ng maraming kapatid, in a way fulfilled na rin naman ito. In a way, nagkaroon na din ako ng maraming kapatid na hindi ko man kadugo naging importanteng parte pa rin ng buhay ko.
5 blabblers:
masarap na mahirap ang madaming magkakapatid...anim kaming magkakapatid... mahirap dahil hindi lang nasa iyo ang atensyon ng magulang mo...mahirap financially, mahirap pagnakakagulo kayo... pero masaya ng sasamang humaharap sa mga problema...
:D
hay na miss ko agad tuloy ang 2 kong kapatid! nakakatuwa pag naglalaro kami at yung kapatid kong babae, madalas kaming nagkwentuhan ng kung anu anu, ako bilang panganay naman ay ang nag aadvice sa kanya ^^
@Super G!
yun nga lang din ang probs pagmarami...yung financial...buti sana kung Sultan of Brunei ang tatay ko di ba? hehehe...
pero nakaka-inggit din yung magkakapatid na sobrang close di ba? Yung pag may problema yung isa, karamay ang lahat...
@Cyndi
sarap siguro niyan...hayyy!=)
sus.. ganun talaga ang buhay..
hindi biro ang magpalaki ng sangkatutak na makukulit na chikiting ano..
lols
pero sa kabilang banda, may tama ka..iba pa rin talaga ang madaming kapatid..
pero sa isang banda ulit, pwede mo namang ituring na kapatid kahit hindi mo tunay(biologically)na kapatid eh..
minsan nga, masmaipagkakatiwala mo pa yung mga secreto mo sa mga taong di mo kaano ano..
subok ko yun kase lima kaming magkakapatid pero yung tiwala minsan hindi basta basta napapasuko kahit na kadugo mo yung tao..
yun lang po!
vowwwwww....
kitakits
@Kosa
agree din ako diyan!
Hindi lahat masasabi mo sa kadugo mo. ewan, mas madali pa rin magtiwala sa taong hindi mo kadugo...bakit kaya?
hehehe...
Post a Comment