Wednesday, February 11, 2009

At dahil Balemtayms...

Minsan sumasagi sa isip ko ang ideya na kaya hindi ako kailan man nagkarelasyon ay dahil na rin sa wala akong tiwala sa state of mind ko.

I never trusted my emotions dahil para sa akin, hindi pwedeng pagkatiwalaan ang anumang bagay na changeable. Hindi stable and emosyon ng tao kaya hindi ito mapagkakatiwalaan.

Naiisip ko minsan, what if sinagot mo na yung tao tapos bigla mong narealize na hindi mo pala siya gusto? I mean, what if narealize mong pali pala?

I am very particular with the word commitment. Para sa akin, hindi pwedeng makipagrelasyon ka sa isang tao just because you are attracted to that person or just because you are presently single. Hindi rin pwede na makipagrelasyon ka dahil lang feel mo na bagay kayo. I think it should be more than that for it to last.

I don't even believe na dapat kang makipagrelasyon sa tao dahil lang pareho kayo ng trip. I mean, bakit ka nga ba nakipagrelasyon sa kanya? Dahil ba pareho kayo ng gusto o dahil mahal mo talaga siya?

Maybe its just me, but I think its not enough na gusto mo ako...its not enough na compatible tayo...its not enough na attracted tayo sa isa't-isa...You have to know the person thoroughly for you to say na mahal mo talaga siya at hindi ka lang na-high sa glue o white ink...

I think, you love a person if you are willing to accept that person without buts or ifs...unconditional at walang questions...

At dahil na rin lagi akong nag o-over analyze...alam kong matagal-tagal pang darating ang lalaking mamahalin ko...

hindi naman kasi ako madaling ma-attract talaga sa tao...sabi ko nga kay Cathy, it takes a week before ko marealize ang potential ng lalaking kausap ko...minsan nga buwan pa ang bibilangin eh... I can appreciate beauty but I seldom "like" men in a short time na nakilala ko sila...

at siyempre dahil late reaction, late na rin ang lahat bago ako matauhan...hehehe...
Hindi lang talaga gumagana ang utak ko sa mga bagay na masyadong abstract...=)

Sorry na ha...
maikli lang kasi ang hair ko...=)

0 blabblers:

check ur page rank.

Check Page Rank of your Web site pages instantly:

This page rank checking tool is powered by Page Rank Checker service

 

♥AIAN-ism © 2010

Blogger Templates by Splashy Templates