Oo nga pala, wala pa kami sa editing. Nasa scriptwriting pa lang kami.
Oo, mali di ba? Dapat nauna ang script bago ang shoot. Pero dahil sa layo ng lugar at sa kakulangan ng panahon at budget, kinailangan naming unahin ang shoot bago ang script.
Dapat kasi, bago yung actual na shoot ay meron nang prepared na research materials for the documentary at prepared na rin ang script. Pero dahil nga sa reason stated above, sinabay na namin. Tanging ang "stand-upper" script yung ginawa namin doon at nagprepare lang kami ng list for possible shots na kukunin namin and the list ng mga taong dapat i-interview.
The problem: you will never really know kung ano ang kulang mong scenes/shots unless you have the complete script. Akala mo kasi enough na ang shots na meron ka, only to find out na andami pa lang kulang pagdating na sa editing.
So, siyempre, lesson learned ito.
Nakaka-iyak kasi mas mahaba pa ang correction ng script kaysa sa actual na script. At hindi pa man ako nangangalahati sa split-page script ng docu ay alam ko na na kulang talaga ang videos na kuha namin. Kulang na kulang.
Mas mabuting gamitin ang split-page na paraan ng pagsusulat ng script dahil dito mas madaling makita kung ano yung video na magco-correspond sa voice over or simply sa script. Mas madali ding makita kung may kulang ang video o kung ano ang kulang na video dito.
Problema na naman. Problemang di-maiiwasan. Problemang dapat masolusyonan.
Tapos pag nasolve na ang script problem ay po-problemahin naman namin ang editing. Whew! At least hindi na sasakit ang ulo ko nito dahil close to borderline idiot naman ako sa video editing dahil aaminin ko na hindi naman ako nakikinig nung nagdidiscuss ng video editing sa class.
Hehehe. Mabait akong estudyante. Period.
Sige...tatapusin ko muna ang nakaka-iyak na script na ito. Nakaka-iyak hindi dahil dramatic yung story kundi dahil sakit sa ulo ang script.
Sige, paalam mga pwends!
0 blabblers:
Post a Comment